XXIX: CHAPTER 29

61 5 0
                                    

CHAPTER 29

Papunta ngayon si Jeremiah kay Elyse upang ihatid ang pagkain na ipinabibigay ng kanyang ina para rito. Nagluto kasi ito nitong umaga at hindi niya naman kinaligtaan na paglaanan si Elyse na matalik na kaibigan ni Jeremiah.

Napatigil naman siya nang makita ang babaeng sinasaktan ng kanyang boyfriend. Hindi niya kilala ang babae ngunit kilala niya ang lalaki dahil kaklase niya ito.

"Ito lang?! Ano ba, Pauline?! Ngayon na lang nga ako nakahingi sa 'yo, tapos ito lang?!"

"'Yan lang kasi b-binigay sa akin ni dad, babe—"

"'Wag ka nang sumagot!"

"Dadagdagan ko na lang 'yan bukas—"

Nagulat naman si Jeremiah nang sakalin niya ang babae. "Siguruhin mo kung ayaw mong ikalat ko ang video mo."

"Billy! Bitawan mo siya!"

Naagaw naman niya ang atensyon nilang dalawa saka niya ito nilapitan.

"Bakit mo siya sinasaktan, ha?"

"Ano bang pakialam mo?!"

"N-nasasaktan ako—"

Agad namang inagaw ni Jeremiah ang naghihingalong nobya ng kaklase.

"Masama ang manakit ng tao lalo na ng babae!"

Igting ang mga pangang idinuro siya nito. "Ikaw talaga, Jeremiah, masyado kang pakialamero! Away magjowa 'to, 'wag kang sumali!"

Hihilahin na sana nito ang nobya nang ilayo niya ulit ito rito.

"Girlfriend mo pero sinasaktan mo? Hinihingan mo pa ng pera? Kung girlfriend mo siya, dapat lang na alagaan mo at mahalin hindi 'yung minamaltrato mo!"

Hindi magkamayaw sa paghikbi ang babae. Natahimik naman si Billy dahil wala itong masabi saka ulit na dinuro si Jeremiah.

"May araw ka sa akin, humanda ka."

Umalis na ito at nilisan sila roon. Tiningnan naman niya ang kalagayan ng babae.

"Ayos ka lang?"

Tumango ito sa kanya pero ramdam niya ang panginginig nito.

"Hindi naman yata tama 'yung ginagawa sa 'yo ni Billy. Masakit?" tiningnan niya ang leeg nito pero agad din itong umiwas.

"Ayos lang ako."

Lumayo siya ng isang hakbang dito dahil napansin niyang hindi ito komportable sa kanya.

"Pwede mo siyang isumbong sa principal hindi kaya sa mga magulang mo. Matagal niya na ba 'yong ginagawa sa 'yo?"

Hindi ito sumagot. Napabuntong-hininga siya.

"Sorry, masyado na ba akong matanong? Ayos lang kung ayaw mong sagutin—"

"Okay lang. By the way... salamat."

Ngumiti siya rito. "'Wag kang mag-alala, kung sakali mang saktan ka niya ulit, 'wag kang mag-alinlangan na pumunta sa akin. Ako nga pala si—"

"Jeremiah, kilala kita. Kayo 'yung nanalo noong music culmination sa duet cataegory," putol nito sa kanyang sasabihin. "Ako naman si Pauline."

"Pauline, maganda, katulad mo kaso sayang din naman kung sasaktan lang ng boyfriend mo."

"Sanay na ako."

Kumunot ang kanyang noo. "Ano ang ibig mong sabihin?"

Ilang sandaling natahimik si Pauline. "Okay lang ba na... sabay tayong magrecess? Saka ko ikukuwento sa 'yo. Libre na lang din kita pambawi na lang sa pagligtas mo sa akin mula sa kanya."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon