LXIV: Chapter 64

20 4 0
                                    

CHAPTER 64

Araw ng linggo ngayon at pinasya talaga ni Elyse na magsimba. Sa pararating na biyernes na kasi ang ang nalalapit na kompetisyon kaya kinakailangan niyang ipagdasal ito.

Nauna na roon ang kanyang ama kaya sumunod na lamang siya. Inaasahan niya na sa kanyang paglabas sa kanilang bahay ay sasalubungin siya ni Jeremiah ngunit siya'y nabigo. Walang kaibigan na naghihintay sa kanya roon.

Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sa simbahan. Umupo na siya sa naturang upuan nila ni Jeremiah. Ilang sandali lang ay may umupo sa tabi niya at nang lingunin niya ay ang kaibigan na pala 'yon.

Bahagya siya nitong nginitian at nailang naman siya rito kaya agad na siyang umiwas ng tingin.

Naaalala niya 'yung nangyari noong nakaraang araw kung saan hinintay niya ang kaibigan doon sa labas ng kanilang school at kung paanong kinalabit ni Pauline ang braso sa kaibigan. Ngayon niya lang din napagtanto ang kanyang ginawa. Sa ikalawang pagkakataon kasi ay pinili na naman niyang sumama noon kay Terrence kahit pa na alam niyang 'yon ang dahilan kung bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Jeremiah nang unang mangyari 'yon. Pero para sa kanya, mas pipiliin na lang niyang sumama sa kabanda kesa sa sumama sa kanila ni Pauline.

Natapos ang misa kaya sabay silang lumabas ng simbahan. Wala pa ring may nagsasalita sa kanila hanggang sa naisipan ni Jeremiah na basagin ang katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.

"Uwi ka na agad?"

Nilingon ni Elyse ang kaibigan ngunit mabilis din na umiwas.

"Oo, wala naman na akong pupuntahan pa."

"Kain muna tayo."

"Ayoko, busog pa naman ako. At isa pa, wala akong dalang pera—"

"Libre ko, tara na!"

Nagulat na lamang siya nang hilahin siya nito at dinala sa isang café.

Magkaharap silang nakaupo ngayon sa isang table habang hinihintay ang order nila.

Tahimik lang silang dalawa at tanging musika lang na pinatutugtog sa loob ng café ang maririnig. Minimalist ang desenyo nito kaya nakakarelax lang dagdag pa sa tugtog na banayad lang ang dating. Kakaunti pa lang din ang mga tao dahil umaga pa naman.

Nailang naman siya dahil hindi sila nagsasalita na dalawa. Isa pa, hindi niya ito matagalang tingnan dahil matamis lang itong nakangiti sa kanya kaya nanatili siyang nakatingin sa labas.

Hindi niya alam kung bakit sa tuwing aminado naman siya sa sarili niya na may nagawa siyang hindi maganda rito, nagagawa pa rin 'yon na kalimutan ng kaibigan at ngumiti nang ganito. Aaminin niyang ang ugali nitong gano'n, ay isa sa mga gusto niya. Kaya lang minsan naiinis na rin siya sa sarili niya. Nagiging insensitive na siya sa maaaring mararamdaman nito. Kaso, may mga rason din naman siya.

"Here's your order ma'am, sir."

"Salamat po," nakangiting sabi nito.

Binigay naman sa kanya ni Jeremiah ang pinili niya. Vanilla milkshake at saka french fries lang naman.

"T-thank you," nahihiyang aniya.

"Naku, ayos lang. Alam mo naman na minsan lang din naman na akong manlibre eh," pag ngiti nito sa kanya at nagsimula na ring kumain.

Nagsimula na naman silang tumahimik. Uminom siya sa kanyang shake at napaangat naman ng tingin nang magsalita ito.

"Nga pala, good luck sa inyo ah."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon