LXXVIII: Chapter 78

17 5 0
                                    

CHAPTER 78

Napadilat si Elyse ng mga mata nang magising. Sinubukan niyang bumangon ngunit hindi niya rin kinaya. Sobra sa sobrang sakit sa ulo ang kanyang nararamdam sa ngayon.

Wala siyang kasama sa kwarto kaya wala siyang mapaghihingan ng tulong. Wala siyang naaalala tungkol sa mga nangyari kagabi. Ang alam lang niya ay napasobra siya sa inom. Hindi rin siya makapaniwala na kaya niya palang uminom ng ganoon karami. 'Yon ang unang beses na nasubukan niya ang bagay na 'yon. Hindi kapani-paniwala.

Pinilit niya ang sariling makabangon. Tila lasing pa rin siya sa pagewang-gewang niyang lakad. Dumiretso siya sa banyo at naghilamos nang mahimasmasan nang tuluyan. Nagtoothbrush na rin siya dahil nalalasahan niya pa rin ang alak sa hininga niya.

Sinusuportahan ang sarili siyang bumaba sa pamamagitan ng pagkapit sa pwede niyang makapitan gaya ng pader at kung ano-ano pa. Wala pa siyang may nakikitang mga kasama doon. Gusto niyang lumabas upang magpahangin at umupo-upo muna roon kahit saglit nang mabawasan naman ang dinaramdam niyang hilo.

Napadpad siya sa swimming pool area. Napatitig siya roon at napakunot ng noo. Naalala niya kasi na parang napanaginipan niya ang lugar na 'yon kagabi.

Tinangka niya pang lumapit ngunit nang siya'y muntik nang matipalok ay agad namang may sumalo sa kanya.

"Dahan-dahan, Elyse."

Nang kanya 'yong lingunin ay si Jeremiah pala 'yon. Nakaakay na ito sa kanya at halatang naiilang dahil bigla itong napaiwas ng tingin.

"Sorry, medyo masakit pa kasi ang ulo ko."

"Ang dami mo kasing ininom kagabi eh."

Habang tumatagal ang pagtitig niya sa kaibigan ay bigla na lamang siyang may napagtanto.

Mabilis niyang binalik-balik ang tingin sa swimming pool at sa kaibigan saka siya napahawak sa kanyang labi. Kinakabahan siya at mas lumalamang din ang hiya. Ngayon niya lang napagtanto na hindi panaginip 'yon. Totoo 'yon at nangyari 'yon kagabi.

"Elyse—"

"Don't look at me!" pagtakip niya sa kanyang mukha at mabilis na umalis. Hindi alintana ang sakit ng ulo, mabilis niyang narating ang kwarto. Hinihingal pa siya habang nakasandal sa pinto matapos isara 'yon.

"I kissed him last night? We k-kissed?"

"ANO?!"

Nagulantang siya nang may mapasigaw mula sa kama. Naroroon na pala si Zach at nainis naman siya sa sarili dahil hindi niya man lang napansin 'yon.

Nanlalaki ang mga mata niyang umiling habang nakatikom ang mga bibig. Kumunot ang noo nito at sinugod siya at bahagyang hinampas.

"Gaga ka! Ano'ng nangyari?! Nagkiss kayo?! Nino? Hoy! Magsalita ka—"

Agad niyang tinakpan ang bibig n'on sa takot na may makarinig. Dinala niya 'yon sa kama saka niya binitawan.

"You can ask without shouting, okay?!" inis na aniya at mas lalo pa siyang nairita nang natawa ito habang kinikilig pa.

"So, ano nga, sis? Sino ang nagkiss ha?"

Nag-aalinlangan pa siyang sabihin dito ang nangyari. Nagdadalawang-isip sa posibilidad na pwede itong umabot kay Kou. Naiinis pa naman siya roon sa sobrang kadaldalan nito.

"But promise me not to tell anyone, especially Kou."

Bibong itinaas ng kaibigan ang kanang palad. "I promise!"

Napabuntong-hininga siya at kahit pa hirap na hirap sa magiging desisyon na sabihin dito ang nangyari ay ibinahagi pa rin niya sa kaibigan.

"Seryoso?!"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon