LXXV: Chapter 75

20 5 0
                                    

CHAPTER 75

Tumabi si Elyse kay Zach nang mamataan niya ito sa loob ng library. Marami-raming estudyante ang naroroon dahil papalapit na rin ang final exams ng unang semester. Karamihan ay nagrereview at ang iba naman ay gumagawa ng mga activities.

"Ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong niya sa kaibigan nang maupo siya sa tabi nito.

"Naku sis, itong sa filipino. Paano ba naman kasi ang boring ni sir sa pagtuturo, wala tuloy akong natutunan," reklamo nito habang inaayos ang mga notebook.

"Kailangan ko na ring tapusin 'tong mga home works ko ngayon at sasamahan ko si Kou para sa operation ng dad niya mamayang gabi," dugtong pa ng kaibigan.

Kumunot ang kanyang noo. "Operation? Nagkasakit ang dad ni Kou?"

"Oo, kidney stones. Ayaw nga magpaopera hangga't hindi nakauuwi si Kou eh. Pero ang mabuti ngayon at nagkaayos na sila ng dad niya at gano'n na rin kami ng kuya ko. Grabe, ang sarap lang sa feeling. Alam mo 'yon sis? Sobrang gaan lang."

Ngumiti siya rito dahil masaya siya para sa kaibigan. Para sa kanya, deserve nila itong mga magagandang nangyayari sa kanila.

"Teka, ano ang meron sa ngiting 'yan?" intriga nito.

"What?"

Nagpakita ito ng makahulugang reaksyon.

"Blooming ka today, infairness."

Bahagya siyang napaatras nang ilapit nito ang mukha at titigan siya. Umiwas siya ng tingin at inayos ang mga dalang libro sa table.

"What are you saying?"

Pinatong nito ang dalawang siko sa mesa at pinatong ang mukha sa ibabaw ng mga kamay nito.

"May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Nanlaki ang mga mata niya at nilingon ito.

"N-nothing!"

Mas lalo lang siyang nahuli ng kaibigan dahil sa naging reaksyon niya. Ilang sandali lang ay hinila siya nito patayo.

"Saan mo ako dadalhin?"

"Halika!" pabulong na sabi nito at pilit pa rin siyang hinila.

Sumunod na lamang siya rito at dinala naman siya nito sa hallway sa gitna ng mga bookshelves.

"Tapatin mo nga ako, may tinatago ka eh. Alam ko 'yang mga reaksyon na 'yan eh."

Napaiwas siya ng tingin at napabuntong-hininga.

"Sinasabi ko na nga ba. Ano na sis? Hindi mo na ako bestie? Sabihin mo sa akin. What's bothering you?"

Napakagat siya sa kanyang labi bago binaling ang tingin dito.

"Jeremiah..." pag-hugot niya ng hininga na tila pinipigilan ang sarili sa pagsambit ng nais niyang sabihin.

"O? Ano ang meron kay Jeremy?"

Nag-aalangan naman siyang sabihin 'yon kaya ibinulong niya na lamang ito sa kaibigan.

Gulat na gulat ito nang muli siyang dumistansya mula rito, sinusubukang hindi gumawa ng ingay sa sobrang gulat. Napatakip ito sa kanyang bibig at nanlalaki pa ang mga mata.

"Kailan pa?!"

Nataranta naman siya at tinakpam ang bibig nito. Tinanggal naman 'yon ng kaibigan.

"Kailan pa?" bulong nito sa ikalawang pagkakataon.

Napaiwas siya ng tingin.

"After the competition..." pagtukoy niya sa ginawang pagtatapat sa kanya ng kaibigang si Jeremiah.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon