LXXIV: Chapter 74

26 5 0
                                    

CHAPTER 74

Tanging tunog ng kulog at ulan ang naririnig at ilaw mula sa kidlat ang natatanging ilaw nila sa kwarto. Kasalukuyang nakahiga si Elyse sa kama niya katabi si Jeremiah. May isang metrong pagitan na epasyo sa gitna nila habang tulala silang nakatingin sa kisame.

"Ang sarap matulog kapag ganito ang panahon 'no?"

Nilingon niya ito kahit pa hindi niya ito masyadong nakikita.

"How can you sleep peacefully with this kind of weather? It's.. terrifying," binalik niya ang tingin sa kisame.

Narinig niyang mahina itong natawa. "Safe ka naman kasi nandito ka sa loob, hindi ka mapapano."

"We don't know."

Ilang segundo silang natahimik nang magsalita ulit ito.

"Si Jely nga pala?"

"She always sleeps under my bed."

"Cute naman ng anak natin."

"You always say I look like a cat!"

"O? May sinabi ako?"

"Wala, pero 'yon naman ang ibig sabihin ng sinabi mo."

Natawa ito sa reklamo niya. May binulong pa ito sa sarili ngunit hindi niya narinig kung ano 'yon.

"Kung may isang tao kang namimiss sa mga oras na ito ngayon, sino 'yon at bakit?"

Napalingon siya nang magsalita ulit ito. Unang pumasok sa isip niya ay ang ina niyang si Grace. Napabuntong-hininga siya at sinagot ang tanong nito.

"Probably my mom," walang pag-aalinlangan na sagot niya at binalik ang tingin sa kisame.

Hindi sumagot ang binata kaya nagpatuloy siya sa pagsalita.

"Miss na miss ko na siya. It's been a long time since I felt her hugs and kisses.. and heard her lullabies before I put myself to sleep," bakas ang lungkot sa boses niya.

Ramdam niyang lumingon ito sa gawi niya. "Dati, nang sinabi mo sa akin na wala na ang mom mo, kahit pa curious ako hindi ko tinanong kung paano. Pero ngayon, 'wag mo sanang mamasamain, pwede ko bang malaman.. 'yung dahilan nang pagkawala niya?" binaling nito ang tingin sa kisame. "Ayos lang kung ayaw mong sabihin, naiintindihan ko naman eh."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga, naghahandang ibahagi 'yon sa kaibigan.

"It actually happened 12 years ago..." simula niya. Nanatili lang itong tahimik.

"I was only 5 years old. The scenes were now vague.. but it's unbelievable how I can still remember every detail that happened there."

Nagsimulang bumalik sa kanya ang kanyang sinapit ng mga araw na 'yon.

"We were in an auditorium, it was an event for us pre-schoolers. My family was there, mom and dad. Dad, he was a vocalist in his band. My mom, she's a theatrical performer. People were amazed how our family was really built for music and how gifted I was for having such a talent in the field."

Hindi nagsalita ang kaibigan. Halatang interesado ito sa kanyang kinukwento.

"I was performing on stage with my little ukelele. My mom and dad were watching at sinasabayan pa ako sa pagkanta." Malungkot siyang natawa sa alaalang 'yon.

"It was a happy moment, not until someone—or I don't know if how many they are, fired gunshots everywhere in the auditorium."

Pansin niyang nagulat ito pero nagpatuloy siya sa pagkukwento.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon