XLVIII: CHAPTER 48

36 5 0
                                    

CHAPTER 48

Hindi hadlang kay Zach ang mga nangyari kaninang umaga para sumama sa kasintahan ngayong recess time para sabay na kumain.

Tahimik lang sila habang kumakain dahil hindi man lang siya kinakausap ng binata.

"Kou, may problema ba?" tanong niya rito sabay hawak sa kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Napatitig doon si Kou kaya kinakabahan na naman siya at baka bawiin na naman nito ang kanyang kamay.

"Wala naman."

Nakahinga siya nang maluwag dahil hinayaan lang nito na hawakan ang kamay niya.

"I know na nahihirapan ka sa mga nangyayari. Pero 'di ba? You promised me na hindi tayo susuko? I-ikaw nagsabi n'on..." mahina ang boses na aniya.

Napaangat ng tingin sa kanya ang nobyo at nagulat siya dahil matamlay itong napangiti at ito na mismo ang humawak sa kamay niya. Napangiti rin siya rito dahil hindi niya maipaliwanag ang tuwa kahit pa na punong-puno ng mapanghusgang tingin ang cafeteria na tila ba isa silang kaaliw-aliw na palabas.

"Naaamoy niyo 'yon, bro?"

"Ang alin, bro?"

"Amoy paminta kasi, eh."

"Ano'ng klaseng paminta, bro?"

"Made in Japan, hahahahaha!"

Napakunot ng noo si Zach dahil sila itong magbabarkada kanina ang nakasalubong nila sa may gate na nang asar rin sa kanila.

Nag-aalala siyang napatingin kay Kou lalo na nang binitawan nito ang kamay niya at tumayo.

"Kuha lang ako ng maiinom."

"S-sige."

Hindi niya maipaliwanag ang kaba. Kilala niya si Kou at pikon 'yon. Kaso hindi ito ang panahon na gantihan niya ang mga taong kagaya nila. Mas lalo lang siyang kukutyain.

Kasalanan ko 'to, eh. Ako ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya ngayon. Sorry, Kou. Kung alam ko lang na dito hahantong ang lahat, sana pala hindi na kita ginusto. Masakit, pero totoo, eh.

Bago pa siya maiyak sa kinauupuan ay may babaeng umupo sa kanyang harapan. Kung hindi siya nagkakamali ay si Kate ito. Ang ex-girlfriend ni Kou.

"So, ikaw pala 'yung pinalit sa akin?"

Napayuko siya. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano ito kaganda nang makita niya na ito sa malapitan. Nahiya tuloy siya sa kanyang sarili.

"Nakakatawa, akala ko pa naman sapat na 'yung itinutugon kong pangangailangan ni Kou sa pagkalalaki niya."

Napakagat siya sa kanyang labi. Oo, naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin. Ayaw niya lang sumagot kasi nahihiya siya rito.

"You know what? Sa tingin mo tatagal kayo niyang si Kou? Kilala ko 'yan, sex lang ang habol n'on sa mga naging girlfriend niya. Tapos ikaw? Ano na lang kaya ang kaya mong maibigay sa kanya? Pagmamahal? Tss, trust me, iiwan ka rin n'on dahil habang buhay hindi ka magiging babae kagaya ko."

Mas lalo lang gumulo ang isip niya. Nakakain na rin siya ng kirot at sakit na kanyang nararamdaman. Gusto niyang umalis dito at mag-iiyak nang walang bukas.

"Naaalala ko lang noon kung gaano niya ako kamahal. Just imagine, he's begging me, pleasing me, moaning my name para paligayahin siya. Ikaw? Ano ang kaya mong ibigay sa kanya? Oh, don't bother to answer that kasi alam ko na ang sagot, wala. Kasi pareho kayong lalaki at sinisigurado ko na iiwan ka rin niya balang araw at babalik siya sa akin dahil hindi mo kayang maibigay sa kanya ang pangangailangan niya."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon