LVIII: Chapter 58

22 6 0
                                    

CHAPTER 58

"Elyse! Sandali!"

Dire-diretso lang sa paglalakad si Elyse nang maabutan naman siya ni Jeremiah at pinigilan siya sa kanyang braso at hinarap dito.

"What?!"

Hindi naman agad nakasagot ang kaibigan dahil napahingal lang ito habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.

"Is there s-something wrong?" nag-aalalang aniya.

Bigla naman itong napangiti kaya sa sobrang inis ay bahagya niya itong tinulak at nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka, sandali! Elyse naman eh, ako nga dapat ang galit dito eh."

Napakunot naman siya ng noo at ulit napatigil saka ito hinarap.

"At bakit naman? Matapos mo sabihin sa akin 'yon?"

"O, eh bakit ko ba 'yon nasabi? Kasi mas pinili mong sumama kay Terrence kahit pa usapan natin eh, sa akin ka sasabay," pangangatwiran ng binata.

Napagtanto naman niyang sa kanya pala talaga nagsimula ang lahat. Nahihiya naman siyang napaiwas ng tingin.

"S-sorry," nahihiyang aniya. Aminado siyang kasalanan naman niya talaga kaso lang ay nakalimutan niya ito. Mabuti naman at pinaalala sa kanya ng binata.

"Sus, may pa walk out ka pang nalalaman. Tapang-tapang mo na ah, inaaway mo na 'ko," pag nguso nito.

Hindi niya alam kung macu-cute-an siya o maiinis dito kaya mabilis na lamang siyang napailing at nagpatuloy sa paglalakad. Mabilis na naman siyang sinundan ng kaibigan.

How come he recovered that fast from his anger? Tsk. But, I'm so freaking insentive, though.

***

Isang oras bago dumating sina Jeremiah at Elyse ay sumunod na rin ang mga magulang ni Zach. Kagagaling lang nila sa ibang bansa kaya ito ang unang beses na pagdalaw nila sa kanya sa ospital.

"Mom, dad! Namiss ko po kayo!"

"Naku, kawawa naman baby ni mommy," bungad sa kanya ng ina at naiiyak pa siyang niyakap.

"I'm glad you're fine already, anak ko," paglapit din sa kanya ng kanyang ama sabay halik sa noo niya.

Umaapaw naman sa kasiyahan ang puso niya nang maramdaman ulit ang presensya ng kanyang mga magulang. Kahit kailan ay hindi siya kinulang ng pagmamahal at atensyon mula rito. Noong lumabas siya bilang bakla, sila ang una sa kanyang pamilya ang tumanggap sa kanya at labis ang pasasalamat niya nabiyayaan siya ng mga mapagmahal at maintindihin na mga magulang.

"Mom, dad, mga friends ko po. Sina Jeremiah at Elyse po," pagpapakilala niya sa mga kaibigan.

Agad namang nakipag-kamayan ang mga kaibigan sa kanila.

"I'm Elyse Sarmiento po, good evening."

"Ako naman po si Jeremiah, Jeremiah Villaruz po."

"Naku, ang gwapo at ang ganda ng mga kaibigan mo anak. Parang ikaw, pinaghalo nga lang."

Natawa naman sila sa biro ng ama niya maliban kay Zeus na agad binasag ang katuwaan.

"Why are you guys late?"

"Ah, in the middle of our way here kasi, nasiraan kami ng kotse ng dad niyo."

"O, hindi kayo lumapit sa talyer o tumawag ng kung sino man na marunong mag-ayos ng kotse diyan?"

"'Yon na nga eh, may nakasalubong kaming binata na tinulungan kaming ayusin ang kotse. Pareho ng uniporme kay Jeremiah. Nahiya nga kami at hindi na siya nagpabayad. Kilala niya naman daw kasi mom niyo. Pero itong mom niyo na ulyanin hindi niya matandaan."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon