LXXX: Chapter 80

20 5 0
                                    

CHAPTER 80

Napanganga si Elyse nang makitang 35 out of 50 lang ang naging marka niya sa nangyaring surprise quiz nila sa una nilang period.

Napatingin siya ng masama kay Carla na ngayon ay nakangisi na sa kanya. Ito kasi ang nagcheck ng papel niya. Masama ang loob niya itong nilapitan.

"What is this, Carla? Bakit 35 lang ang score ko? Tama naman lahat ng sagot ko," pangangatwiran niya.

Napairap ito sa kanya habang pinapaikot pa sa daliri ang dulo ng kanyang buhok. "No erasures allowed, Elyse."

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Walang sinabi si sir."

"Yep, pero alam mo naman na ayaw ni sir sa erasures kaya pinacheck ko sa kanya. Kaya ayan, 35 ka lang. How sad..." pag-nguso nito na mas lalo pa niyang ikinainis.

Hindi na siya umimik pa. Pinigilan niya ang sarili na masabat na naman ito at baka saan na naman hahantong 'yon.

Natapos ang unang period ng klase ay agad na siyang nawala sa kanyang mood. Tahimik at seryoso lang siyang nakinig hanggang sa sumapit ang recess. Hindi siya lumabas ng kanilang silid at nagreview na lamang.

"Someone is trying hard to perfect the exams," tawa ni Carla habang nililigpit ang bag.

"35 nga lang kasi, malamang babawi 'yan," sabi naman ng kasama nito.

"Let's see kung hanggang saan ang kaya niya. Tara na, Kris."

Nanatili ang tingin niya sa kanyang notebook. Nang makalabas ang mga ito ay napahilamos siya sa kanyang mukha bago binagsak ang ulo sa mesa ng upuan.

Kailan ba matatahimik ang buhay ko nang walang may nanggugulo?

Nawalan na naman siya ng ganang mag-aral. Lumabas siya ng kanilang classroom at naabutan naman niyang naroroon lang na nakatayo si Terrence. Mukhang nagulat pa ito nang makita siya.

"Hey, kanina ka pa riyan?" nagtatakang aniya rito.

Nangapa ito ng sagot. "Um, no. Napadaan lang ako."

Tumango-tango na lamang siya kahit pa naaktohan niya na itong nakasandal lang doon kanina.

Nagsimula na siyang maglakad nang hindi nagsasalita. Bigla niya tuloy naalala ang kanyang panaginip kaya bigla siyang napatigil nang walang rason at nilingon si Terrence na nakasunod lang din sa kanya habang nakapamulsa pa.

"What?" anito.

Umiling lang siya at ibinalik ang tingin sa dinadaanan.

"Hindi kita nakikitang nagrereview ha?" sabi niya nang mapagtanto ang bagay na 'yon.

"Mangongopya lang ako," sagot nito na ikinagulat niya.

"Talaga?" bakas ang gulat sa mukha niya.

Natawa na naman ito nang hindi niya alam. Naguluhan naman siya rito. Kilig na kilig pa ang mga babae na nadadaanan nila lalo na at nasaksihan na naman nila kung paano tumawa ang binata.

"Your reaction was hilarious," umiiling na sabi nito saka ginulo ang kanyang buhok.

Naiinis niya namang inaayos 'yon ngunit paulit-ulit lang nitong ginugulo 'yon.

"Elyse."

Natigilan sila nang makitang nasa harap niya na si Jeremiah. Seryoso lang itong nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi alam ni Elyse kung bakit bigla siyang nakaramdam ng takot dito lalo na sa ganoong sitwasyon na kinukulit siya ni Terrence.

Bahagya siyadumistansya mula rito. "We were just—"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon