LXI: Chapter 61

17 5 0
                                    

CHAPTER 61

"The competition will be held in St. Anne Academy," ani Elyse habang kumakain ng almusal.

"Mmm, catholic school?" tanong ng ama niya bago ininom ang hawak na kape.

"Yeah," pagtapos niya sa kanilang usapan saka siya tumayo.

"O, alis ka na?"

"Yes, dad." Kinuha niya ang gitara at sinukbit ang bag sa kanyang likod.

"Gotta go," aalis na sana ito nang tawagin siya ulit ng ama.

"Anak."

Napalingon naman siya rito. "What is it?"

Ngumiti si Manuel sa kanya. "I'm so proud of you."

Naiilang naman siyang napangiti nang bahagya. "Dad, next week pa 'yon."

"I know, proud lang talaga ako sa 'yo sa ngayon palang. Alam kong proud na proud din sa 'yo ang mommy mo."

Natigilan siya at napayuko. Bigla siyang nalungkot nang maalala ang ina niyang si Grace.

"O, siya. Anong oras na at baka malate ka pa," pag-iiba ni Manuel ng usapan.

"Right, alis na po 'ko," pagpapaalam niya at tuluyan nang lumabas sa kanilang bahay.

Paglabas niya ng kanilang gate ay nakita naman niyang naghihintay doon si Jeremiah. Wala itong dalang bisekleta kaya nagtaka naman siya.

"Hi," bungad nito sa kanya.

"Hi, hindi mo dala ang bike mo?"

"Iniwan ko sa bahay eh, mabuti na rin 'to at minsan nasasanay ko rin ang sarili ko sa paglalakad lang, hehe."

Tumango naman siya at nagsimula silang maglakad. Wala sali-salita naman nitong kinuha ang bitbit niyang gitara.

"Ako na, Elyse."

"Wala naman na akong magagawa nakuha mo na eh, pero thanks."

Isinukbit ito ng kaibigan sa kanyang likod.

"Kinakabahan ka na?" tanong nito.

"A bit, I am expecting more audience compared to our last performance before. Imagine, 8 schools in total."

"Sus, kaya mo 'yan! Ikaw pa?"

Hindi niya kayang magsinungaling sa sarili. Aaminin niya na habang papalapit na papalapit ang kompetisyon mas lalo pa siyang kinakabahan. May pag-aalinlangan pa rin siya sa sarili.

"Jeremiah."

"Po?"

"What if.. bumalik 'yung melophobia ko?"

Tiningnan naman siya nito at matamis na ngumiti. "Hindi na babalik 'yoooon!" pisil nito sa pisngi niya kaya napangiwi naman siya. Nagiging hyper na naman ang kaibigan.

"At saka, Elyse. Nandito ka na o! Hindi na mabilang ang pagkasa mo sa gitara at hindi na rin mabilang ang kantang lumabas sa bibig mo! Kaya Elyse, sinasabi ko sa 'yo, maniwala ka. Alam kong tuluyan nang naglaho 'yon. Hindi na 'yon babalik pa."

"You're just saying that para palakasin ang loob ko," yumuko siya habang nakahawak pa sa dalawang strap ng bag.

"Naku, naku, naku! Nagpapacute ka na naman!" Pinisil na naman nito ang pisngi niya kaya hindi niya naiwasang gumanti rito.

"Hindi ako nagpapacute!"

"Nakanguso ka kaya!"

Para silang mga pitong taong gulang na mga bata na nagpipisilan ng mga pisngi sa gilid ng kalsada habang naglalakad. Pinagtitinginan naman sila ng mga taong kanilang nadadaanan ngunit hindi naman alintana 'yon sa kanila.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon