LII: Chapter 52

28 5 0
                                    

CHAPTER 52

Palubog na ang araw nang makatapos si Zach sa lahat ng kanyang mga gawain. Marami siyang hinabol na mga activities na hindi niya nakuha habang siya'y wala noong mga nakaraang araw.

"Thank you po, Mr. Navarro sa pagpapakuha sa akin ng mga activities po."

"Syempre naman, Lopez. You deserve it, matalino ka at hindi tamad. Isa pa, valid naman 'yung excuse mo noong mga nakaraang araw na wala ka," nakangiting sabi nito.

Tuluyan na siyang nagpaalam rito at lumabas ng silid. Kokonti na lang 'yung mga tao. Napatingin siya sa kanyang relos at 5:45 na ng hapon.

Mabilis siyang naglakad hanggang sa mapatigil siya nang bigla siyang salubungin ni Kou. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya para rito. Namimiss niya ito pero mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang takot sa tuwing nakikita niya ito o nalalapit siya rito.

"Zach.."

Hindi niya 'yon pinansin at lalagpasan na sana ito nang bigla siya nitong pinigilan sa kanyang braso. Sa sobrang gulat ay naitulak niya ito.

"'Wag mo 'kong hahawakan," nanginginig na aniya. Nangibabaw sa kanya ang takot lalo na nang magdampi ang kanilang mga balat.

Nanaig ang katahimikan sa hallway. Sila lang ang naroroon dahil umuwi na ang halos ng mga estudyante doon.

"S-sorry.." muntik nang pumiyok ang boses na sambit ni Kou. Bakas sa mukha nito ang labis na pagsisisi.

"Baby, hindi ko s-sinadsadya 'yung nangyari noong nakaraan—"

"'Wag kang lalapit."

Napaatras siya nang sinubukan nitong lapitan siya. Napasabunot si Kou sa kanyang buhok at napasigaw sa labis na pagkainis sa sarili.

"Baby, please? Don't do this to me. Miss na miss na kita!"

"After what you've done to me? Kou, hindi mo alam 'yung takot ko ng mga oras na 'yon! Sobrang sakit lang kasi hindi ko l-lubos maisip na magagawa mo 'yon sa 'kin!" hindi na niya naiwasang mapaluha.

"Nadala lang ako ng emosyon ko dahil sa mga nangyayari. Zach, let's fix this. Hindi ko gustong magkaaway tayo ngayon. Tinalikuran na ako ng lahat, at ikaw lang ang inaasahan kong maging kakampi sa ngayon. Zach, kailangan kita," pakikiusap nito sa kanya.

Kahit pa nasasaktan siya, kahit pa gustong-gusto niya itong patawarin, kahit pa sabik na sabik na siya na yakapin ito, ayaw niya pa rin. Sariwa pa sa kanya 'yung sakit na dinanas niya at gagawin niya pa rin kung ano ang mas makabubuti para sa kanilang dalawa.

Umayos siya ng tayo at hinarap ito. "Kou, alam mo.. it's not getting right for the both of us. Your family and my family—they hate us. Pati 'yung mga tao sa paligid natin.. h-hindi tayo matanggap. Walang lugar ang relasyon natin, Kou. Kaya mas mabuti pang.. maghiwalay na tayo."

Kumunot ang noo nito. "Don't you say that, Zach! Maaayos pa natin 'to! Please, not now. Nakikiusap ako, Zach."

"Buo na ang desisyon ko, Kou. Napag-isipan ko na 'yan at hindi na 'yon magbabago pa," matigas na sabi niya at umiwas ng tingin. Iniiwasan niya rin kasing tingnan ang mga mata ni Kou at baka doon pa lang ay agad na siyang bumigay.

Nanaig ang katahimikan matapos niyang sabihin 'yon. Hindi naman inasahan ni Zach ang biglang tanong nito.

"Hindi mo ba ako.. mahal?"

Napatingin siya rito dahil doon. Nagulat siya dahil 'yon ang unang beses na tinanong siya ni Kou ng gano'n.

"O kahit minahal man lang? Kahit saglit? Or even just for a second?" tila nawawalang pag-asang tono ng boses ni Kou.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon