XXXIV: CHAPTER 34

74 6 0
                                    

CHAPTER 34

Nasa isang coffee shop sa ngayon sina Zach at Kou matapos ang bangungot na sinapit ni Zach sa mga kamay ng dating kaibigan na si Laurenz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali dahil sumasagi sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina. Parang gusto na rin niyang maglaho sa sobrang hiya na kanyang nararamdaman kay Kou nang makita sila nito lalo na siya sa ganoong posisyon.

"'Wag ka nang kabahan, ligtas ka na."

Napaangat siya ng tingin sa binata na umiinom ng inorder nitong kape.

"T-thank you, ulit. S-saka, pasensya na rin kung nakita mo ako sa ganoong sitwasyon. Nakakahiya tuloy sa 'yo," nahihiyang aniya saka yumuko.

"Ayos lang, nainis nga ako, eh, doon sa lalaking 'yon. Hindi makatarungan ang kanyang ginawa sa 'yo. Kababuyan ang pagsamantalahan ka niya kahit pa na bakla ka."

Nanlambot ang kanyang puso ngunit agad ding nawala 'yon nang maalala niya ang sinabi nito sa kanya kahapon.

"'Di ba nga ang sabi mo, lumayo na ako sa 'yo? Ang hindi ko maintindihan kung bakit niligtas mo pa rin ako at kung bakit... magkasama pa tayo ngayon."

"Ah, 'yon ba? Hmm, niligtas kita kasi alam kong kailangan mo ng tulong. Saka 'yung sinabi ko kahapon? Charot-charot lang 'yon! Hahahaha! Balak ko kasi talagang mag audition sa Dramatic Guild, ano ayos ba?" ngumiti ito nang malapad sa kanya. Malungkot siyang ngumiti.

"Ano ba? Totoo nga kasi. Joke lang 'yon."

"Hindi mo naman kasi kailangang magsinungaling, eh. Sariwa pa sa akin kahapon 'yung sinabi mo at 'yung mukha mo nang sabihin 'yon. Alam ko naman na nahihiya kang mapalapit sa akin kasi... napagkakamalan ka," sambit niya gamit ang mahinang boses.

"Zach," tinungtong nito ang mga braso sa mesa, "hindi gano'n 'yon, okay? I'm sorry, sige aamin na ako. Asar lang talaga ako ro'n kay Alpha, kaya ko siguro nasabi ang mga 'yon. Ikaw pa napagbuntungan ko, tsk. Kaya pasensya na saka 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano pa."

"You sure?"

"Oo nga saka, isa pa..."

Napaangat naman siya ng tingin dito at kung hindi siya nagkakamali ay tila nahihiya ito sa kanya.

"... kung gusto mo, pwede mo naman akong maging k-kaibigan? 'Di ba? There's nothing wrong with it naman siguro o kahit anumang malisya. Bakit, masama bang makipagkaibigan ang tunay na lalaki sa bakla? 'Di ba, hindi naman?!"

"Oo walang mali ro'n. Pero, bakit ka sumisigaw?"

"Ay," napatikhim ito, "sorry, hehe."

"Psh." Natawa na lamang siya rito.

Akala pa naman niya, kahapon na ang huling araw na makakausap niya si Kou. Sobrang sarap pala sa pakiramdam na nanggaling mismo sa mga bibig nito na magkaibigan na sila. Ngayon niya lang din kasi naramdaman na naging ligtas siya sa piling ng isang lalaki. Oo, may gusto siya kay Kou pero ang maging kaibigan ito ay sapat na para sa kanya.

***

"Five minutes break," ani Terrence kaya nagsipahinga naman sila.

Umupo si Elyse sa sofa habang inaayos sa tono ang kanyang gitara. Umupo naman sa kanyang tabi si Terrence habang kumakain ng mansanas.

"Haven't you noticed?"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon