XLIII: CHAPTER 43

54 4 0
                                    

CHAPTER 43

Napaigtad si Zach nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Hudyat kasi ito na dumating na ang nobyo.

Sabik siyang tumakbo sa pintuan at binuksan ito.

"Kou—!"

Nagulat na lamang siya nang hindi pagbati ang isinalubong sa kanya ng binata sa halip ay isang matamis na paghagkan sa kanyang mga labi.

"Morning, baby."

Bahagya niya naman itong hinampas sa dibdib. "Ano ka ba, Kou? Nakakagulat ka, alam mo 'yon? Saka..." napalingon siya sa paligid, "baka may makakita sa atin."

"Hanggang ngayon ba napapraning ka pa rin nang dahil diyan?"

"Eh, nag-aalala lang ako. I'm not that sanay pa kasi saka... 'di ba, mga kaibigan mo pa lang at saka si Elyse ang nakakaalam? Kung malalaman man din ng lahat, dapat... dahan-dahan lang, 'wag naman 'yung bigla-bigla."

Natatawang napakunot ng noo ang binata sabay gulo sa kanyang buhok. "Let them be nga kasi. 'Yung mga taong mapanghusga, sila 'yung mga taong walang magawa sa buhay. Saka isa pa, kanina pa ako nakatayo rito. May balak ka pa bang papasukin ako?"

"Ay, sorry. Sige, pasok ka."

Agad namang pumasok si Kou dala-dala ang mga pinamili niyang ice cream at iba pang mga pagkain para sa kanilang dalawa.

"Kanina pa umalis mama mo?" tanong nito sa kanya.

Kasalukuyan naman niyang inaayos ang mga sangkap na gagamitin sa pag gawa ng mga cupcakes.

"Yep, maaga pa nga, eh. Bukas pa raw babalik."

Tumango-tango lang ito habang nakangisi pa.

"Ano ang ibig sabihin ng ngising 'yan?"

Napalingon din naman ito sa kanya. "Ha? Nothing. Eh 'di, mag-isa ka lang dito mamayang gabi?"

Kinabahan naman siya sa tono ng pananalita ng nobyo.

"O-oo."

"Gusto mo samahan kita?"

Naramdaman naman niyang nanayo ang kanyang mga balahibo sa kanyang batok.

"Ano... 'wag na! Sanay naman na ako, eh. Saka wala namang ghost rito or something."

"Kahit na. O, paano mamaya niyan kung may dumating na magnanakaw at saktan ka? Sino ang magliligtas sa 'yo? Konsensya ko pa at hindi ka sinamahan."

Napahinga siya nang malalim bago sumagot. "Ah, ewan. It's up to you."

Napangisi naman ito nang dahil doon.

Nagsimula na silang maghanda para sa pag b-bake na kanilang gagawin. Si Kou ang nagbati ng itlog samantalang si Zach naman ang naghahalo-halo ng mga sangkap.

"Ang galing ko bang magbati ng itlog?"

"Ikaw pa, mukhang sanay na sanay ka nga, eh," tawa ni Zach.

"Ikaw siguro magaling ka rin?"

"Syempre, ano pa't nagbabake ako?"

"Gano'n ba, eh 'di, next time itlog ko naman batihin mo."

Hindi inaasahan ni Zach ang sinabi ng binata kaya nanigas siya sa kanyang kinatatayuan at hindi niya naitago ang kanyang naging reaksyon.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon