LXXI: Chapter 71

17 5 0
                                    

CHAPTER 71

Dinala ni Elyse ang kaibigan sa isang restaurant. Sea foods ang inihahain ng kainang ito kaya kahit mapapamahal, dito pa rin ang lugar na pinili ni Elyse. Gusto niyang maging sulit ang ipinangako niyang libre rito.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa dumating na ang pagkain nila. Dumidilim na rin sa labas ngunit hindi naman siya nababahala ro'n. Ang nais lang talaga niya ay ang makasama ang kaibigan sa gabing ito.

"Let's eat," pilit niyang siglahan ang boses kahit pa sa loob niya ay may konting lungkot siyang nararamdaman.

"Salamat sa treat," 'yon lang ang sinabi ng kaibigan at saka nagsimula na ring kumain.

Gusto niya itong kausapin ngunit hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Bahala na, basta ang importante hindi naman masayang ang gabing ito na magkasama sila at talagang kumain lang. Kakausapin na lang niya ito.

"Congrats nga pala.."

Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang magsalita na ito.

Naiilang siyang napangiti. "T-thanks.."

Akala pa niya ay may kasunod pa ang sasabihin nito ngunit gano'n na lang ang pagkadismaya niya nang mapagtantong wala na dahil tahimik na ulit itong kumain.

"W-what's bothering you?"

"Hmm?" napaangat ito ng tingin sa kanya.

"Hindi ka ba m-masaya?"

Kahit pa may halong kaba ay hindi siya nag-alinlangan na itanong 'yon sa kaibigan. Kahit siya ay nababahala na rin dito at sa mga kinikilos nito. Gusto niyang malaman ang mga dahilan nito nang sa wakas ay maintindihan niya na rin ito.

"Masaya, lalo na para sa inyo kasi nanalo kayo," sagot nito sa malamig na tono.

"But.. you don't seem like it.."

"Totoo nga, pati nga sa inyo ni Terrence masaya ako eh," dumoble ang malamig na tono sa boses na sabi pa nito.

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit?"

Sarkastiko itong natawa habang umiiling pa ngunit hindi ito sumagot.

Hindi niya alam ngunit bigla siyang nakaramdam ng inis dito. Nawalan tuloy siya ng gana sa pagkain.

"O, bakit hindi ka na kumain pa?" nagtatakang tanong nito.

"Wala akong gana, tapusin mo na lang 'yang sa 'yo at uuwi na tayo."

"Ah, hahabol ka pa pala sa kanila ni Terrence. Sige, bibilisan ko."

Mas lalo pa siyang naguluhan at hindi makapaniwala. Sa sobrang inis ay napahalukipkip siya at saka sumandal sa kanyang kinauupuan habang tumitingin sa mga sasakyan sa labas.

Hindi niya namamalayan sa sarili na umiiyak na pala siya. Naghalo-halo na ang mga dapat niyang maramdaman. Naiinis siya na nagagalit na nalulungkot. Natakpan na nga ng mga 'yon ang tuwa na naramdaman niya kanina nang manalo sila.

"Umiiyak ka ba, Elyse?"

Gusto niyang matawa nang marinig ang tono ng pag-aalala sa boses nito.

Pinahid niya 'yon at hinarap ang kaibigan.

"Are you done?"

Hindi ito sumagot dahil nakatingin lang ito sa kanya. Nawala na ang lamig doon at napalitan na ng pagkabahala.

"Elyse—"

Tumayo na siya dahil pansin na rin naman niyang tapos na ito. Nauna siyang lumabas dito at mabilis naman siya nitong sinundan.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon