XXI: CHAPTER 21

70 5 0
                                    

CHAPTER 21

Sinamahan ni Elyse si Terrence pauwi sa kanilang bahay kung saan doon nakahaya ang labi ng ina nito. Sumakay sila sa kotse ni Luke na siya rin naman ang nagdrive. Kasama rin nila ang mga barkada nito.

Binigyang-daan ng mga tao sina Elyse habang akay nila ang nanghihinang si Terrence papasok sa loob ng bahay. Mga hindi pamilyar kay Elyse ang mukha ng mga taong ito, siguro ito ang iba pang pamilya ni Terrence.

Nang makapasok sa loob ng bahay, mas lalong nanghina ang binata nang makita ang ataul sa dulo. Muntik na itong matumba kung hindi lang siya inalalayan ni Elyse at ng kanyang mga kaibigan.

Tahimik lang ang silid at halos lahat ng mga taong naroroon ay mangiyak-ngiyak na sinasaksihan ang paghihinagpis ni Terrence. Kilala man ang binatang ito sa pagiging isnabero, suplado at walang pakialam ngunit, ang makita itong nasasaktan ay masakit din sa mata ng lahat.

Tuluyan na silang nakalapit doon. Ilang sandali lang ay nagsimula nang humagulgol ang binata.

"MA! WAKE UP, MA!"

Napapikit si Elyse habang pinapakalma ang binata. Masyadong masakit para sa kanya ang makita si Terrence sa kalagayan nito ngayon. Pinipilit niyang hindi umiyak. Naaawa siya ng sobra para rito.

"B-bumangon ka na riyan, ma." Bakas na ang panghihina at pagod sa kanyang boses.

"Why did you just—fell asleep without me singing you a song, ma? "

Pinahid ni Elyse ang mga tumakas na luha mula sa kanyang mga mata.

"B-bakit mo ako iniwan ng gano'n-gano'n na lang... ha? Sabi mo panonoorin mo pa akong kumanta, ma! Malapit na 'yung competition, ma, at papalanunin namin 'yon para sa 'yo pero bakit hindi ka nakapaghintay?!"

"Bro..  that's enough." Kinakalma rin siya ng iba pa niyang mga kaibigan na naluluha na rin para sa kanya.

"Matapos si dad, ikaw na naman? Just because I'm a grown up now, you can just leave me like that? What kind of parents are you?!"

"Terrence! Tumigil ka na, please?"

Natigilan ito at lumingon sa nagsalitang si Elyse. Napalingon din ito sa mga taong naroroon na tila ba ngayon niya lang ito napansin.

"What the hell are these people doing here inside our house?!"

Hinimas ni Alpha ang kanyang likod. "Bro, they are your family."

Natawa si Terrence. "Family? Family ba kamo? Bakit, noong naghihingalo ba ang nanay ko... wishing for their presence before she passed away, nandoon ba sila? Wala nama, 'di ba? At ngayong hindi na humihinga nanay ko hindi na kayo nahiya na magpakita ng mga pagmumukha niyo rito?!" magkahalong galit at inis na sigaw ni Terrence.

"They're still your family, Terrence!" walang ano-ano'y sigaw ni Elyse. "At least, nandito pa rin sila para damayan ka."

Natawa ulit ang binata at hinarap siya. "Don't speak as if you know everything," malamig ang boses na sambit nito. Hindi niya naiwasan ang magulat.

"My family are my parents alone at hindi ang mga taong 'yan." Matapos nitong bitawan ang mga katagang 'yon ay agad na nitong nilisan ang silid at naiwan naman 'yong tahimik.

"Hayaan na muna natin siya, talagang masakit lang para sa kanya ang nangyayari kaya niya nagagawang magbitaw ng ganoong mga salita." Napatango sila sa sinabi ni Kou.

Hindi umalis si Elyse at tinulungan ang magbabarkada na asikasuhin ang mga bisita. Naisip niya rin kasi na baka talagang kailangan siya rito kasi walang katulong ang mga kaibigan ni Terrence.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon