LXXXII: Chapter 82

28 5 0
                                    

CHAPTER 82

Matapos ang exams ng unang semester, nagkaroon sila ng isang linggong bakasyon at kaakibat na rin dito ay ang pag-alala sa mga yumao o araw ng undas. Ngunit bago pa dumating ang araw na 'yon, kanila munang pinaghahandaan ang kaarawan ng kapatid ni Jeremiah na si Elizabeth.

"I bought 2 cakes, just like her favorite, chocolate ang strawberry," ani Elyse habang hinihintay ang inorder niyang cake sa isang cake shop.

"Salamat ha? Kapag nakaluwag-luwag ako, babayaran na lang kita—"

"Jeremiah, just consider this as my gift for her. At saka, 'wag mong isipin na lahat ng ibinibigay, kailangan may kapalit," sagot niya rito.

Narinig niya itong napabuntong-hininga sa kabilang linya.

"O siya sige, salamat talaga ha? Gusto mo sunduin na kita riyan?"

Kinuha niya na ang dalawang cake na inorder niya. Lumabas siya ng shop at pumara ng taxi.

"No need, I'm on my way there already."

Sumakay na siya sa loob. Sinabi naman niya sa driver ang address nila Jeremiah.

"Bilisan mo."

"Why? Nag s-start na ba?"

"Hindi pa naman... miss na kita eh."

Napakagat siya sa kanyang labi sa pagpipigil sa sarili na mapangiti.

"Miss you, too."

Hindi ito sumagot. Hinuha niya ay kinikilig na naman ito sa kabilang linya kaya napapailing siyang napangiti.

"Malapit na ako, bye."

Matapos ang kanyang pagtatapat sa kaibigan, nanatili pa rin silang magkaibigan. May mga bagay lang na nagbago na hindi na gaya ng dati.

Pagkarating niya roon, insakto ring kararating lang din ni Kou kasama si Zach at may mga dala rin silang regalo para kay Elizabeth.

"Hi," aniya nang makitang nakaabang sa kanya si Jeremiah sa gate nila. Bumungad din sa kanya ang matamis nitong ngiti nang makita siya.

Stripes na black and white t-shirt ang suot nito at saka cargo shorts. Siya naman ay naka-peach na jumpsuit.

"Hi, tulungan na kita."

Bago pa nito kunin ang dala niya ay sinalubong muna siya nito ng paghalik sa kanyang noo. Hindi pa rin nagbabago ang lakas ng pagtibok ng kanyang puso.

"Nando'n na sila ni Kou sa loob," pagkuha nito sa dala niya.

"Yeah, nakita ko sila kanina papasok."

"Tara na, naghihintay na sila nanay sa loob at iba pang mga bisita," pag ngiti nito saka siya inakay sa loob.

"Naku, natutuwa ako at dumalo kayo!" pagsalubong sa kanila ni Emerald at isa-isa silang hinalikan sa pisngi.

"Syempre naman po, inang! Hindi pwedeng wala kami sa birthday ni Eli, para ko na ring kapatid 'yon eh," sabi ni Kou matapos ilapag ang regalo niya para kay Elizabeth sa mesa.

Simple lang ang handaan. Naglagay lang sila ng HAPPY BIRTHDAY doon sa pader ng sala. Katamtaman lang din ang dami ng mga inihanda nilang pagkain. Ang mga bisita ay halos sila lang din kasama ng iba pang mga kaklase ni Elizabeth at ang mga nanay at nagbabantay ng mga ito.

Nang lumabas si Elizabeth mula sa kwarto ay naka-red na dress na ito at parang nahihiya pa ngunit nang makita si Kou ay agad itong tumakbo para salubungin ng yakap ang binata. Binuhat naman siya nito.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon