LXX: Chapter 70

18 4 0
                                    

CHAPTER 70

Napangiti si Elyse nang masaksihan kung paanong ipinakita ni Kou ang pagmamahal niya kay Zach sa lahat. Ang katotohanang nasa isang catholic school sila, ang tapang ni Kou para gawin ang bagay na 'yon.

Napasigaw rin ang mga kabanda niya sa tuwa. Mas lalo pa silang nagsaya sa ibabaw ng entablado.

Nagtama ang tingin niya ng kanyang ama na ngayon ay naiiyak na habang kumukuha pa rin ng video. Ngumiti siya rito at kumaway.

Hinanap ng kanyang mga mata si Jeremiah at nang makitang naroroon pa rin ito sa kanyang kinatatayuan magmula kanina ay napangiti siya. Bakas din ang tuwa sa mukha ng kaibigan at umaprub sa kanya at saka pumalakpak pa.

"I would like to borrow the attention of everyone."

Nabaling ang mga atensyon nila nang magsalita si Terrence mula sa mic. Agad ding natahimik ang paligid.

"First of all, we, the X-AXIS would like to thank our principal, mr. Pascual and mr. Navarro, too. Also, the faculty and staff of our school and of course, our schoolmates who came here to support us."

Nagsigawan ang kanilang mga schoolmates nang isama sila sa pasasalamat ng binata.

"And to those who helped us throughout our practice days. Small Town Travellers, Mr. M—and the rest of the band."

Bahagya pang nagulat ang nakararami nang banggitin 'yon ni Terrence ngunit nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.

"There's so much more to mention at hindi ko na mabanggit lahat, but we still thank you for everything, you know who you are."

Nagpalakpakan sila sa pag-aakalang tapos na ito ngunit ulit silang natahimik nang magsimula pa ulit itong magsalita.

"That was the last performance of X-AXIS that you've seen a while ago for the Battle of the Bands for 4 consecutive years and honestly, we aimed to win this year because ito na ang huli namin, we just didn't expect it to be."

Napangiti sila dahil nakangiti na rin ito.

"We've been through a lot—in the band. We've been through many arguments, misunderstanding and of course.. happy memories," ani Terrence at nagulat naman si Elyse nang tumingin ito sa kanya nang sabihin 'yon.

"Sa dami ng mga pinagdaanan namin, hindi ko lang aakalain na aabot kami sa point na 'to. May mga nabuong pagkakaibigan, samahan.. at pagmamahalan."

Napasigaw ang mga tao lalo na ang mga nakasaksi sa pagmamahalan ni Zach at Kou na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sa baba at magkayakap pa rin na nakatingin kay Terrence habang nagsasalita.

"Ako, marami rin akong napagdaanan. I almost quit joing the battle. Especially when my mom passed away. But, there's this one person whom I refer to as my.. angel."

Nailang naman si Elyse nang makahulugan siyang tingnan ng mga kabanda. Nagsimula na ring tumili ang mga tao lalo na ang mga nakakakilala sa kanila. Ngunit siya ay tila naguguluhan pa rin.

"An angel who saved me from drowning in depression. An angel who gave me light in the darkness. And an angel whom.. I like as of the moment.."

Mas lalo pang umingay ang paligid dahil mukhang napagtatanto na ng mga ito kung sino ang tinutukoy niya. Kinakabahan naman si Elyse at halos magtago sa hiya. Hindi naman sa makapal ang kanyang mukha upang akuing siya nga ang tinutukoy nito ngunit, base sa mga tingin at kutya ng mga tao sa paligid niya lalo na ng mga kakilala niya ay talagang iniisip niyang siya.

Humarap si Terrence sa kanya. "Elyse, thank you for everything at ang pagsali mo sa banda. We owe you a lot—I owe you a lot, indeed. Maraming-maraming salamat sa 'yo," tinapos nito ang sinabi sa pag ngiti.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon