XXXII: CHAPTER 32

61 4 0
                                    

CHAPTER 32

To: Sissy <3
Where ka, sis?

From: Sissy <3
May practice kami ngayong dismissal.
Punta ka na lang mamaya
sa dorm nila Terrence. Pakisabi
na rin kay Jeremiah kapag
makita mo siya na sabay na
tayong umuwing tatlo. Kain
tayo sa labas. Treat ko.

To: Sissy <3
Yayyy! Sige, punta
na ko diyaaan!

Agad nang nagligpit ng kanyang mga gamit si Zach matapos nilang magpalitan ng text ni Elyse. Dumiretso muna siya sa locker area upang iwan ang iba niyang gamit doon. Excited naman niyang tinahak ang daan papuntang dorm ng X-AXIS. Ang isipin na makikita niya na naman si Kou ay mas lalong nagpapasabik sa kanya. Malayo pa lang ay kinikilig na siya. Kanina pa siya atat na atat na makita ito mula pa kaninang umaga.

Nang makarating doon ay inayos niya muna ang kanyang buhok bago naisipang kumatok.

"Tao po?"

Walang may sumagot sa kanya ngunit nang makitang nakabukas din naman ang pinto ay pumasok na lang siya roon.

Napakunot siya ng noo nang wala siyang may nadatnan kahit anino ni Elyse at kahit ng isang myembro ng banda. Akala ba naman niya ay nandito na ang mga ito at nag pa-practice? Napabuga siya nang malalim na hangin. Hindi na masukat ang pagkadismaya sa kanyang mukha sa pag-aakalang makikita niya na ngayong mga oras na ito si Kou.

Imbes na umalis na lamang ay napansin niya ang drum set kung saan 'yon ang instrumentong dinadala ni Kou. Dahan-dahan siyang lumapit doon at mas lalo pa siyang namangha nang mahawakan ito. Halatang mamahalin. Naiisip niya pa lang na 'yon ang instrumentong ginagamit ng binata ay mas lalo pang nagpapakilig sa kanya.

Nang makita niya ang drum sticks nito ay kinuha niya 'yon at hinawakan. May mga letra pang nakasulat doon sa lenggwaheng hapon. Siguro, pangalan 'yon ni Kou.

Wala sa sarili niyang inupuan ang pwesto nito. Hindi mapawi ang ngiti sa kanyang mga labi.

Pinaglaruan niya 'yon na parang ginagaya pa ang paraan ng pag gamit n'on ng binata kahit pa na hindi siya marunong.

"Sinong may sabi sa 'yo na paglalaruan mo 'yan?"

Napaigtad naman siya nang marinig ang pamilyar na boses. Natigilan siya at nang kanyang lingunin kung sino 'yon ay hindi nga siya nagkakamali, si Kou nga 'yon habang pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Nakaputing t-shirt lamang ito saka naka-shorts. Halatang kagagaling sa ligo. Mukhang magaling na rin ito mula sa lagnat.

Natameme naman siya. Nag halo-halo na ang kanyang nararamdaman. Hindi niya alam kung kinikilig pa ba siya o kinakabahan na matapos marinig ang tono ng boses nito na tila ba galit sa kanya.

"S-sorry, a-ano kasi-"

"Paglalaruan tapos hindi naman pala marunong," umiiling na sabi nito at saka lumapit sa kanya.

Tatayo pa sana siya ngunit hindi niya na nagawa nang maramdaman na nasa likod na niya ang binata.

"Turuan kita."

Nanayo naman ang kanyang balahibo nang maglapat ang kanilang mga balat gawa ng paghawak nito sa kanyang mga kamay mula sa kanyang likod. Hindi siya makagalaw nang dahil dito. Gusto niyang sumigaw sa kilig dahil sobrang lapit nito sa kanya at mukhang yumayakap na nga ito dahil sa ginawa nitong pagpwesto.

"Ganito kasi 'yan, 'wag mong bilisan agad. Basic muna."

Para siyang mahihimatay dahil sa amoy na hatid nito. Mas lalo itong gumagwapo para sa kanya. Amoy na amoy niya rin ang presko nitong hininga.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon