LXXII: Chapter 72

16 5 0
                                    

CHAPTER 72

Kasalukuyang nakaangkas si Elyse sa likod ni Jeremiah. Wala kasi itong dalang bisekleta kaya pinili na lamang nitong buhatin siya sa gano'ng paraan. Ginamit na lang ng binata ang panyo nito sa pagtakip sa sugat niya dahil nagsara na rin ang kanilang clinic sa school.

Tahimik lang sila habang nasa likod si Elyse ng kaibigan.

"I'm s-sorry, kung nagiging pabigat ako sa 'yo ngayon," aniya kahit naiilang pa rin dito.

Nakapulupot ang mga braso niya sa leeg nito habang sinusuportahan naman ng kaibigan ang magkabilang hita niya gamit ang dalawang braso nito.

"Kahit kailan hindi ka naging pabigat sa 'kin, Elyse."

Hindi naman niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin kaya hindi niya na 'yon pinansin pa.

Kung alam lang niyang sa paraan pa na kailangan siyang masugatan at hindi makalakad nang maayos para makausap niyang muli ang kaibigan, kanina pa niya ginawa.

Pinatong niya ang mukha sa balikat nito. Kahit tapos na ang araw ay sariwa pa rin ang pabango nito.

"Inaantok ka?" tanong nito sa kanya na bahagya pang nakatagilid ang mukha na tila tinitingnan ang lagay niya sa likod nito.

Sinagot niya 'yon ng iling habang ang ulo ay nakabaon pa rin sa balikat ng kaibigan. "I just missed you."

Hindi niya alam kung lasing ba siya o wala sa sarili dahil nasabi niya 'yon ngunit hindi niya kayang magsinungaling sa sarili dahil 'yon naman ang totoo.

Pansin naman niyang hindi ito sumagot kaya inangat niya ang ulo.

"I hate you."

Nanatili lang itong tahimik.

"Umiwas ka sa akin buong araw. Tapos kahapon, hindi ka nagsimba."

"Hindi ba pwedeng ako na ang nag a-adjust para sa 'yo?"

Kumunot ang kanyang noo. "Adjust?"

"Alam mo na, alam ko rin naman na.. iiwas ka rin naman sa akin kaya inunahan na kita. Kilala na kita Elyse, kaya ko nagawa 'yon."

"Why would I do that?" naguguluhang tanong niya.

"Kasi.. nalaman mo nang gusto kita."

"No, of course it's o-okay for you to like me, there's nothing wrong with it."

Natigilan ito at bahagya siyang tiningnan sa likod. "T-talaga?"

"Yeah, it doesn't change that fact that we're still friends."

Bahagya itong natawa sa sinabi niya at saka tumango-tango. "Tama, friends pa naman tayo. Walang magbabago ro'n," sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad.

Kahit pa hindi niya nakikita ang reaksyon ng kaibigan ay bahagya rin siyang napangiti rito. Sana naman ay hindi na ito iiwas pang muli sa kanya dahil alam nitong ayos lang naman sa kanya ang ganito.. kahit pa sa kabila ng lahat.

Ibinaba na siya nito nang makarating sa bahay nila. Humawak siya sa gate nila bilang suporta.

"T-thanks," nahihiyang aniya.

"Linisan mo 'yang mabuti ha? Magpatulong ka sa dad mo," bilin nito na sinagot naman niya ng tango.

"Magpahatid ka na lang din sa kanya sa school bukas. Pwede rin na daanan na lang kita rito dadalhin ko bisekleta ko."

Hindi niya naiwasang mapangiti.

"Make sure you won't do it again, okay?"

"Ang alin?"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon