LV: Chapter 55

32 5 0
                                    

CHAPTER 56

Hinaplos ni Elyse ang noo ng kaibigang si Zach. Nanatili siyang tahimik matapos ang eksena nang maabutan niyang nandito si Kou.

"Close pala si Kou sa kaibigan niyo?" tanong ni Alpha.

"Malay ba namin—!"

"Hindi namin alam eh, hindi rin naman namin pansin na nagkasama sila o ano," putol ni Qeusav sa sasabat na sanang si Seven.

"Pero kanina pansin niyo pagpasok natin, seryos silang nag-uusap na para bang matagal na silang magkakilala."

"At saka, paanong magiging close? Kulang na lang pagsabungin grupo namin sa grupo niyo tapos close?"

Napaangat naman ng tingin si Elyse nang lumapit sa kanya si Terrence.

"Are you okay?"

Dahan-dahan siyang tumango. "Of course, bakit naman hindi?"

"Talagang hindi biro ang galit mo kay Kou. Kahit kaibigan mo, nakagalitan mo rin. Now I know what Zach really means to you."

Hindi rin niya lubos maisip na kaya niyang sigawan ng ganoon si Jeremiah. Pero hindi n'on mababago ang kasalukuyan niyang nararamdaman na hinanakit para sa kaibigang si Zach. Para sa kanya, hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil kay Kou na pasimuno sa lahat ng pasakit ni Zach. Hindi niya masisisi ang sarili niya sa matinding galit na nararamdaman niya para rito. Ayaw niyang napapahamak ang kaibigan niya. Isa lang si Zach sa mga naging tunay na kaibigan sa kanya kaya lahat ng mananakit dito ay hindi niya mapapatawad.. at isa na roon si Kou.

"Sige, mauna na kami. Sana maging okay na si bakla. Balik na lang ulit kami bukas at baka sakaling magising na siya n'on."

"Sabay na rin kami, ikaw Terrence?"

"Sasamahan ko na lang dito si Elyse. Sunod na lang ako."

"Sige, una kami! Elyse! Zach, pagaling ka!"

"Bye, ingat."

Naging tahimik naman ang silid nang umalis ang kanilang mga kaibigan.

Pagkakataon na ito ni Terrence. Ngayon na lang ulit siya nagkaroon ng oras na masolo si Elyse. Aaminin niya ring namiss niya itong kasama at ayaw niya itong sayangin.

Magsasalita pa sana siya upang basagin ang katahimikan nang bigla na itong tumayo at pinunasan si Zach.

Nanatili lang siyang nakaupo roon, nakahalukipkip at pinagmamasdan ang dalaga. Aliw na aliw siya sa kanonood sa seryosong mukha nito habang inaalagaan ang kaibigan. Ngayon niya lang nalaman na maalaga palang tao si Elyse.

Napaiwas naman siya ng tingin nang mapansin nitong titig na titig siya rito.

"What?"

"N-nothing."

Nagulat naman siya nang mapangisi ito. "You're stuttering. Are you nervous kasi ngayon mo lang napagtanto na tayong dalawa lang dito?"

Sinabayan niya naman ito ng ngisi. "And why would I be nervous, ms. Sarmiento?"

"I told you na ayaw kong tawagin mo ako sa apelyido ko."

"Oh, sorry."

Umiling lang ito at saka pinagpatuloy ang pagpunas sa mga braso ni Zach gamit ang basang bimpo.

"Kasi akala mo galit ako sa 'yo."

Kumunot ang kanyang noo. "Wala akong iniisip na gano'n."

"How about you?"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon