XIX: CHAPTER 19

118 4 5
                                    

CHAPTER 19

Hindi mapakali si Elyse sa mga bulong-bulungan ng mga nadadaanan niya habang papasok siya sa kanilang eskwelahan. Masama rin ang mga tingin nito sa kanya.

"Hindi na raw matutuloy ang X-AXIS sa Battle of the Bands."

"Oo, at dahil daw sa babaeng 'yan!"

"Dahil lang sa kanya?! My gosh! Feeling naman tuloy niyan, ang special-special niya!"

Napakunot siya ng noo dahil sa mga narinig.

Hindi sila matutuloy? Dahil sa akin?

Hanggang sa kanilang classroom ay walang humpay pa rin ang mga naririnig niyang bulungan. Tungkol pa rin ang mga ito sa banda na hindi na nga raw matutuloy nang dahil sa kanya.

Nang sumapit ang oras ng recess ay nakipagkita siya kay Zach.

"Balita ko, sis, hindi na raw matutuloy ang X-AXIS sa competition."

"'Yon nga dapat ang sasabihin ko sa 'yo."

"Eh, ang sabi rin daw dahil sa 'yo 'yon?"

Napailing siya. "Ewan ko ba sa mga ro'n. Bakit naman sila titigil nang dahil lang sa akin?"

"Kasi nga, 'di ba, hindi ka pumayag?"

"Dahil lang do'n?"

Sabay silang napatigil na dalawa nang biglang lumapit sa kanila si Carla habang nakahalukipkip pa. May kasama itong dalawang babae sa kanyang likod.

"Ano na naman ba ang ginawa mo, Elyse? Ha?!"

Napatayo naman si Zach at hinarap si Carla. Napatayo rin agad si Elyse para awatin ang kaibigan.

"Hoy, babaeng pinalo ng tsinelas ang labi sa sobrang pula! 'Wag mong pinagbibintangan ang friend ko, ha!"

"Zach, calm down."

"Ay 'teh, sumusobra na 'tong babaeng 'to sa 'yo! Lahat na lang ng nakikita niya sa 'yo, mali at parang may kasalanan ka pa!" hindi mapakaling sigaw ni Zach.

"Oh yeah? Kasi totoo naman, 'di ba? Simula nang dumating dito si Elyse, minalas nang todo itong school natin! Dahil sa kanya, ayaw nang sumali nila ni Terrence sa competition! Dapat lang na makick out ka na mula sa school na 'to, Elyse! Umalis ka na rito!"

"Ay, sa 'yo 'to 'teh? Sa 'yo 'to? Makaasta ka, eh."

"Zach, stop," pilit pa ring pagpapakalma ni Elyse sa kaibigan.

"Ano na, Elyse? Matapos mo akong ipahiya nang todo sa harap ni Terrence, ano na? 'Di ba walang may nangyari? Ikaw pa rin ang gusto niya! At dahil lang sa ayaw mo, ayaw na rin nila! 'Wag kang feeling special! Ay, special ka nga pala talaga. 'Di ba nga, you are sick?" ngumisi ito sa kanya.

Sumama na rin ang tingin ni Elyse dito. Hanggang sa naisipan niyang lisanin ang lugar na 'yon.

Hindi na niya matiis ang lahat ng panghuhusga at pamimintang sa kanya ng mga tao. Tama si Zach, sa mata ng lahat, siya ang mali, siya ang may kasalanan, siya ang dapat sisihin. Pakiramdam niya lahat ng tao ayaw sa kanya. Bilang na lang din yata ang walang pakialam sa existence niya. Halos lahat binabantayan ang kilos niya na isang maling galaw lang, masamang tao na siya agad sa mga mata nila.

Dumiretso siya sa dorm ng X-AXIS at ang nadatnan niya roon ay ang nasa labas na sina Kou, Alpha at Luke.

"Bro, lumabas ka na riyan."

"Hindi matutuwa ang mom mo kapag ganyan ka."

Napalingon ang mga ito sa kanya nang maramdaman nila ang presensya niya.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon