XXII: CHAPTER 22

64 5 1
                                    

CHAPTER 22

Isang normal na araw ng lunes ngayon at bumalik na rin ang lahat sa normal. Hindi na usap-usapan pa ang tungkol sa banda, sa sinapit ng ina ni Terrence, at kahit si Elyse.

Oras ng recess nang mapag-isipan ni Elyse na pumunta sa cafeteria. Nang mamataan niya si Jeremiah sa dulo na nakaupo roon nang mag-isa, agad niya na 'yong nilapitan at doon na lamang siya sasabay na kumain. Mga ilang araw niya rin kasing hindi nakakasama ang binata. Pansin niya rin na parang malungkot ito.

"Hey, why are you alone?" bungad niya rito nang makaupo. Nagtaka naman siya nang biglang lumiwanag ang mukha nito.

"Jeremiah?" tawag niya rito dahil nakatulala lang ito sa kanya.

Napailing ang binata. "Ah, hindi na nga, eh. Nandiyan ka na kasi."

Napataas ng kilay si Elyse saka nagsimulang kumain.

"I'm accepting their offer," basag niya sa panandaliang katahimikan.

Napaangat ng tingin si Jeremiah. "Tinanggap ang alin?"

"X-AXIS."

Sapat na ang salitang 'yon upang maintindihan nito ang kanyang ibig sabihin.

Napansin niya ang bahagyang pagkatulala nito sa kawalan.

"Bakit? Is there something wrong?"

"Akala ko ba, hindi na sila matutuloy sa competition?"

Napangisi siya. "That's what you think."

Dahan-dahan na napatango si Jeremiah. "G-gano'n ba, haha. M-mabuti naman."

Napakunot siya ng noo nang mapansin na tila nagbago ang ekspresyon ng mukha nito pati na rin ang tono ng kanyang boses. "Bakit parang hindi ka masaya?"

"A-ako? Hindi masaya? Hahaha! Masayang-masaya nga ako para sa 'yo, eh! Hindi ba halata? H-hahaha."

"But, hindi pa alam ni Terrence. We're planning to tell him later pa." Tango lang din ang isinagot sa kanya ni Jeremiah.

Napangiti siya rito at wala ano-ano'y hinawakan ang kamay ng binata na nakapatong sa ibabaw ng mesa na ikinagulat din nito.

"I will make sure that this time, I will fear no more and this nightmare of having a melophobia will be over. And I want you to witness that Jeremiah—how your friend will overcome all of that," sinserong wika niya sa binata.

Ang katotohanang tinawag ni Elyse na kaibigan si Jeremiah ay talaga namang nakapagpalambot sa puso ng binata pero ang katotohanan din naman na kaibigan lang talaga ang turing nito sa kanya, ay may kirot din na dulot sa kanyang puso at damdamin.

***

Bakas ang gulat sa mukha ng lahat nang makita si Terrence na naglalakad sa hallway. Nasa-ayos na ang kalagayan nito. Mula sa kanyang pananamit at itsura, bumalik na rin ang kanyang mukha na tanyag at walang kahit na anumang emosyon. Malayong-malayo na ito kumpara noong mga araw nang mawala ang kanyang ina. Mukhang naka-move on na nga ito sa sinapit ng kanyang magulang.

Dire-diretso lang ang kanyang lakad hanggang sa makarating sa kanilang dorm. Gulat na gulat ang kanyang mga barkadang sina Alpha, Kou at Luke sa kanyang presensya. Talaga namang natigilan sila sa kanilang mga ginagawa dahil sa biglaan niyang pagsulpot.

"What the hell are you looking at as if you've seen a ghost?" bungad niya saka pinatong ang dala-dalang gitara sa sofa.

"B-bakit ka may dalang gitara?"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon