LXVII: Chapter 67

18 4 0
                                    

CHAPTER 67

Matapos mag half bath ay dumiretso na si Zach sa hapag-kainan. Nakaupo na roon ang kanyang kuya Zeus habang umiinom ng kape.

Gabing-gabi nagkakape, weird talaga nito.

"Wala pa sila mom?" tanong niya rito at saka umupo.

Umangat ang tingin nito sa kanya habang nagbabasa ng diyaryo.

"Late silang uuwi, same with Zion."

Tumango naman siya at nagsimula nang maghapunan. Tahimik lang silang dalawa hanggang sa ibaba ni Zeus ang hawak nitong diyaryo at sumandal sa kanyang kinauupuan habang iniinom ang kape.

Nailang naman siya dahil nakatitig lang ito sa kanya kaya hindi na lang niya tinatapunan ng tingin ang kapatid at nagpatuloy lang sa kanyang pagkain.

"Why didn't you tell me?"

Nabaling ang atensyon niya rito nang ito ay magsalita.

"What do you mean, kuya?"

Binaba nito ang hawak na kape at humalukipkip.

"About that guy, your boyfriend."

Nahiya naman siya at umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagtataka rin siya kung bakit napakakalmado lang ng tono ng pananalita nito kahit pa ang pinag-uusapan ay ang kanyang kasintahan na si Kou.

"Si K-Kou ba?" nahihiyang aniya.

"Yeah, you didn't tell me that his surname is Kishimoto."

Nabaling na naman ang tingin niya rito ngunit hindi siya nagsalita.

"So, I heard he's a member of your school's band."

Naiilang siyang tumango. Hindi siya makapaniwala na magiging interesado ito kay Kou at darating ang araw na pag-uusapan nila ang tungkol dito—nang mahinahon.

"Opo, drummer po siya, actually.. gaganapin nga bukas 'yung Battle of the Bands sa St. Anne Academy. Nando'n din si Elyse.. 'yung friend ko."

Tumango ito at ininom na naman ang kape. "Manonood ba ang parents niya?"

Pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. "I have no idea."

Tumango-tango lang ito at saka tumayo.

"Sabay na tayong pumunta ro'n bukas, manonood ako."

Tinapik pa siya nito sa kanyang balikat bago umalis.

Kinakabahan namang napabuga ng malalim na hininga si Zach. Mas lalo pa siyang naweirdohan sa kapatid. Hindi niya alam kung ano ang meron at bakit biglang naging interesado ito kay Kou.

Sana naman wala nang balak pang masama si kuya Zeus kay Kou.

***

Pansin ni Kou na tahimik lang na nanonood si Jeremiah ng tv sa may sofa. Matapos uminom ng tubig ay nilapitan niya ito saka siya umupo sa tabi nito.

"Huy, kanina ka pa tahimik," aniya at bahagya itong siniko.

Matamlay itong natawa. "Pasensya ka na pala kanina ha? Kung winalk out-an kita. Alam mo na basta artistahin, mahilig mag random practice," biro nito na ikinatawa niya.

"Mukha mo, ulol! Random practice raw, neknek mo!" natatawa pang sabi niya.

"Ang sabihin mo, nagseselos ka lang kay Terrence at saka kay Elyse!" pagtumpak niya lalo pa nang mapalingon ito sa kanya.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon