XXXVIII: CHAPTER 38

58 6 1
                                    

CHAPTER 38

Kasalukuyang naghihintay si Zach kay Dexter sa may waiting shed. Kinuha pa kasi nito ang kanyang kotse. Mag n-night out daw sila dahil parehos silang heart broken.

Imbes na dumating si Dexter ay si Kou ang dumating sakay sa motor nito. Tumigil ito sa kanyang harapan.

"Tara," malamig ang boses na sabi nito.

Hindi niya 'yon pinansin at iniwasan lang ito ng tingin.

"Zach," bakas ang awtoridad sa boses nito, "sakay na sabi."

"Ayoko."

"'Wag na ngang matigas ang ulo."

"No thanks, may magalit pa."

"Hindi ako galit pero kung hindi ka susunod sa gusto ko talagang magagalit ako."

Ngayon ay tinapunan na niya ito ng tingin. "At sino ka naman sa tingin mo para sundin ko?"

Hindi nakasagot ang binata sa halip ay huminga lang ito nang malalim na tila nagpipigil. "Is there a problem?"

"Bakit ako tinatanong mo? Ewan ko sa 'yo."

"Eh, bakit mukha kang galit sa akin?!" giit nito.

"Mukha ba akong galit? Eh, ikaw nga ang galit diyan. Malay ko ba sa 'yo kung ano'ng problema mo? You know what, umalis ka na. Hindi kita kailangan."

Gusto niya namang sabunutan ang sarili dahil siya rin mismo ay nasaktan sa mga binato niyang salita rito.

Nangilabot naman siya nang makita kung paanong nagbago ang emosyon sa mga mata ni Kou.

"Pinagtatabuyan mo na ako niyan?"

"Oo, umalis ka na," matigas na aniya at sinusubukang hindi pumiyok ang boses.

Sarkastiko itong natawa sa hangin. "So, ayaw mo na sa akin? Gano'n na lang? Pagtatabuyan mo lang ako? Wala lang ako sa 'yo?"

"Wala ka naman talaga sa akin, ah."

Natahimik lang ito at napakagat sa kanyang labi sa pagpipigil. "Putangina, ang sakit mo namang magsalita, Zach."

"Walang dahilan para masaktan ka, Kou. Wala rin naman ako sa 'yo, 'di ba?"

Hindi sumagot ang binata. Bago pa ulit siya makapagsalita ay dumating na si Dexter sakay-sakay sa kanyang kotse. Bumusina ito kaya sabay silang napalingon doon.

"Zach, tara na!" labas ulo sa bintana na tawag nito sa kanya.

Napalingon pa muna siya kay Kou na ngayon ay nakaigting na ang mga panga habang nandidilim pa ang mga tinging nakatingin kay Dexter.

Lalapit na sana siya roon nang pigilan siya nito sa kanyang braso kaya napatingin siya roon.

"Sino ang pipiliin mo, ako o siya?"

Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Sobrang lakas nito na para siyang mahihimatay.

"Kapag sa kanya ka sumama, parang pinili mo na rin siya kaysa sa akin... at parang itinakwil mo na rin ako nang tuluyan, Zach. At kung gagawin mo 'yon, hindi mo alam kung paano mo ako masasaktan at hindi ako nagbibiro."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon