XLVI: CHAPTER 46

79 4 0
                                    

CHAPTER 46

Sumabay si Elyse sa kaibigang si Jeremiah at sa mga barkada nito nang mag dismissal. Manglilibre daw kasi ang binata dahil na rin sa pagkapanalo niya kanina sa laban nila ni Carla.

"Iba talaga ang nagagawa ng taong pinagpala at saka humble pa! Kumpara mo nga sa Carla na 'yon na ubod ng yabang at inggitera!" singhal ni Seven sa hangin habang naglalakad sila patungo sa cafè na kanilang pagkakainan.

Bahagya silang natawa. "Eh, ano'ng magagawa niya? Kitang-kita naman na mas magaling talaga 'tong pambato natin," mapagmalaki namang sabi ni Jeremiah sabay haplos sa ulo ni Elyse. Nahiya namang napangiti at napayuko ang dalaga.

"I just hope she won't start another fight after this," may halong pag-aalala sa boses na aniya.

"Naku, kung pagbubuhatan ka na naman ng kamay ng babaeng 'yon, kami na talaga ang makakalaban n'on."

Sabay-sabay naman silang napalingon nang may isang kotse na bumusina sa kanila. Napatigil sila nang mapagtanto na ang banda nga 'yon. Bumukas kasi ang isang bintana nito at bumungad sa kanila si Terrence. Si Luke naman ang nagmamaneho n'on habang nandoon naman si Alpha sa likod. Hindi naman mahagilap si Kou sa loob.

"Hey, Elyse! Sama ka sa amin," sigaw ni Alpha na nasa loob.

"Teka! Hindi niyo ba nakikitang sa amin siya sumasama ngayon?" agad na kontra ni Chiko.

Hindi 'yon pinansin ni Terrence na agad namang binasag ang kasalukuyang nagbabagang tensyon sa pagitan ng kani-kanilang mga grupo.

"Alpha's mom, it's her birthday today. You are invited 'cause she badly wanna meet you."

Sasagot pa sana si Elyse nang magsalita rin si Qeusav.

"Pwede bang sa ibang araw na lang?"

"Hindi naman siguro pwedeng i-adjust ng mommy ni Alpha ang birthday niya para sa inyo."

Napakunot ng noo si Jeremiah sa sinabi nito.

"Hindi naman gano'n ang ibig sabihin ng kaibigan ko. 'Yung amin lang, sana sa ibang araw na lang kasi minsan lang naman namin na nakakasama si Elyse, eh."

"Once a year lang nag b-birthday ang isang tao."

"Ano ba ang ipinaglalaban mo? Bakit mas nanghihinayang ka pa na hindi sumama si Elyse kaysa sa nanay ng kaibigan mo—"

"'Wag mo akong sinisimulan—"

"Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Kung malaki ang problema mo about Elyse joining our band at kung nahahati ang oras niya sa inyo, don't give us the blame—"

"Alam mo, wala kang karapatan kay Elyse kasi hindi mo siya pagmamay-ari!"

Natigilan silang lahat matapos ang naging sagutan nina Jeremiah at Terrence. Hindi rin alam ni Elyse kung ano ang gagawin dahil ilang beses na rin itong nangyari. Nanatali lang siyang tahimik kasi wala rin naman siyang magawa upang patigilin ang mga ito. Nahihiya na naman siya sa kanyang sarili dahil siya na naman ang dahilan ng alitan sa pagitan ng dalawang grupo.

Halos lahat ay nagulat sa sinabi ni Jeremiah. Umiwas na lamang ng tingin si Terrence at diniretso na lang ang tingin sa daan.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon