LXXIX: Chapter 79

21 5 0
                                    

CHAPTER 79

Nang matapos ang second period ng klase nila Elyse ay agad niyang naisipan na isauli ang mga libro ni Jeremiah. Tumungo siya sa classroom nito. Natigilan naman siya nang madatnan na magkausap sila ni Pauline sa pinto. Inabutan ng dalaga ng isang lunch box ang kaibigan. Nakangiti naman 'yong tinanggap ng binata na tila inaasar-asar pa si Pauline.

Napahigpit ang kapit niya sa hawak niyang libro habang yakap ito. Tatalikod na sana siya nang mabunggo siya sa dibdib ni Terrence. Napahawak siya sa kanyang noo.

"Oh, sorry. Are you okay?" nag-aalalang anito saka tiningnan ang noo niya.

"I'm fine," pag-iwas niya.

Umeksena naman ang dalawa nang mapansin sila ng mga ito.

"Kanina ka pa riyan, Elyse?" ani Jeremiah na sinagot naman niya ng iling.

"No, I'm with Terrence..." dahilan niya at hindi niya rin alam sa sarili kung bakit 'yon ang kanyang sinagot. Pansin niya rin na nagtaka si Terrence sa sinabi niya ngunit hindi na ito kumibo pa.

Nang lingunin niya ito ay magkasalubong lang ang tingin nito sa kaharap nila. Hindi kay Jeremiah kundi kay Pauline.

"Ang sama naman po ng tingin niyo, kuya Terrence," pag nguso ni Pauline.

"After you puked on my chest?" sarkastiko itong tumawa. Nanlaki pa ang mga mata ng dalaga. "In what way do you expect me to look at you after you did that? Tss," dugtong pa nito.

Nangapa ito ng sagot at bahagyang kumalabit kay Jeremiah saka bumulong. "Ginawa ko 'yon?"

Natatawa itong tumango at bumulong din sa kanya. "Oo, tanga."

"Ngi!" pagkagat nito sa kanyang mga kuko.

Napatitig lang si Elyse sa magkalabit nilang mga braso. Napansin naman 'yon ni Jeremiah. Nagpanggap itong napakamot sa batok sabay unat upang matanggal ang pagkakalabit ng mga braso nila ni Pauline.

"Grabe, ngayon palang naiistress na 'ko," paghikab niya.

Umiwas na lamang ng tingin si Elyse.

"Alis na 'ko, Elyse. May aasikasuhin pa 'ko," paalam ni Terrence sa kanya na sinagot naman niya ng tango kaya umalis na rin ito kaagad.

"Ay, ako rin pala, bes. Balita ko kasi pumasok si Billy eh," malapad ang ngiti na sabi nito.

"Talaga ba? Yiiieee!" kutya ng binata rito. Napatingin si Elyse sa kaibigan at hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay may lungkot sa mga mukha nito.

Is he jealous?

"Ihh! 'Wag ka nga! Sige na, kita na lang tayo maya. Bye, ate!"

Tumango lang din siya rito. Naiwan silang magkaharap ng kaibigan.

"Akala ko ba magkasama kayo ni Terrence kanina? Bakit siya nauna?" tanong nito.

Wala sali-salita niyang inabot ang libro rito.

"Isasauli mo na?"

"Yeah, I'm done with that already."

"Naks, ang bilis!"

Hindi na siya sumagot pa. Naglakad na ulit siya at sinundan naman siya nito.

"Recess?"

Tumango naman siya.

"Sabay na tayo, pwede?"

Sinagot niya ulit 'yon ng tango. Ilang segundo silang natahimik bago naisipan ni Elyse na magsalita.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon