LVII: Chapter 57

31 6 0
                                    

CHAPTER 57

Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad na binalak ni Elyse na bisitahin na naman ang kaibigang si Zach. Paglabas na paglabas niya ng kanilang eskwelahan ay nakita naman niyang naghihintay doon si Terrence sa harap ng kanyang kotse.

"Terrence."

"Hi, I know na papunta ka rin naman kay Zach. Sumabay ka na lang sa akin at idadaan kita ro'n," pag-alok nito sa kanya.

Napalingon naman siya sa kanyang paligid at namataan si Carla sa hindi kalayuan na masama ang tingin sa kanya. Matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita 'yon ngunit wala siyang pakialam dito kaya agad na niyang binalik amg tingin sa binata.

"Sure, then—"

"Elyse."

Napalingon naman siya nang tawagin siya ng isang pamilyar na boses.

"Akala ko ba sabay tayong pupunta kay Zach?" ani Jeremiah habang nakakunot na ang noo. Nakasakay na ito sa kanyang bisekleta at hinihintay na lamang siyang sumampa doon.

Muntik na niyang masabunutan ang sarili dahil sa katangahan. Napag-usapan nga nila ni Jeremiah kanina na sabay silang pupunta doon ngunit nakalimutan niya at pumayag na siyang idaan siya doon ni Terrence gamit ang kotse nito.

Nangapa siya nang sagot kaya agad namang binasag ni Terrence ang katahimikan.

"No, thanks. Kung tutuusin mas mabilis ang pagpunta niya ro'n kung sa kotse ko siya sasakay. Right, Elyse?"

Napayuko na lamang siya at ayaw niyang magtama ang mga tingin nila ng kaibigan. Ramdam na ramdam niya kasi ang titig nitong tumatagos sa puso niya at ayaw na niyang makita pa 'yon.

"Tama, ano lang naman ba 'tong pipitsuging bisekleta ko sa magara mong kotse?" gamit ang malamig na boses na sambit nito sabay tawa nang sarkastiko.

"Kita na lang tayo ro'n, Elyse."

Ang papalayo na lamang na kaibigan ang namataan niya nang napaangat siya ng tingin.

Nakaramdam na naman siya ng lungkot at labis na pagsisisi. Aminado siyang nasaktan niya ang kaibigan sa paraang kinalimutan niya ang pagsabay sana nilang pagpunta roon. Naiinis din siya sa sarili dahil hindi man lang niya sinubukang humingi ng tawad dito.

"Tara na, Elyse."

Napalingon naman siya sa binata nang tawagin nito ang pansin niya.

"S-sure."

***

Naabala naman si Zach sa panonood niya ng tv nang bumukas ang pinto ng kanyang silid.

"Zach, how are you?"

"Oy, sis. Grabe ka naman wala ka talagang may pinapaliban na araw ah," bati niya rito.

"Of course, nga pala.. sino ang kasama mo rito ngayon?" tuluyan na itong pumasok at nilapag ang bag sa gilid at nilapitan siya.

"Si kuya Zeus kaso lumabas lang saglit. Si kuya Zion papunta na rin rito kasi ngayon palang bibisita sila mom at dad. Papunta na rin sila."

Napangiti naman ang kaibigan sa sinabi niya. "Natutuwa ako at sa wakas makikilala ko na rin ang parents mo."

"Oo nga 'no, ako rin, sis."

Sabay naman silang napalingon nang pumasok si Jeremiah. Pansin naman niyang natahimik ang dalawa lalo na nang magkatinginan ang mga ito.

"O, Jeremy? Bakit hindi kayo sabay ni Elyse?" bungad niya naman dito.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon