LXXXIII: Chapter 83

29 5 0
                                    

CHAPTER 83

Bumalik na silang lahat sa eskwelahan at nagsimula na rin ang 2nd semester ng klase.

"See you later," paalam ni Elyse sa kaibigan matapos bumaba sa bisekleta nito ngunit bago pa siya pumasok sa gate ay pinigilan siya nito sa kanyang braso.

"Elyse..."

Nilingon niya ito. "Yes?"

Bumuntong-hininga ito bago umiling at saka ngumiti. "Wala," anito sabay gulo sa kanyang buhok.

Nabahala naman siya sa naging reaksyon nito. Hinuha niya ay may nais talaga itong sabihin sa kanya.

Sa pagkakataong ito ay siya naman ang buhawak sa braso nito. "Tell me what's bothering you."

Umiling ito sa ikalawang pagkakataon. "Wala nga. Inaalala ko lang na baka... lapitan ka na naman ni Terrence."

"Wala raw," natatawang aniya kaya napairap ito.

"I will tell him about us."

"H-huh?" nabibinging sabi nito.

"Sasabihin ko sa kanya ang tungkol sa atin," pag-uulit niya.

"Pero, Elyse wala namang ta—"

"Shh, if that's what you're worrying about... I will fix it immediately," pag ngiti niya rito bago niya pinisil ang pisngi nito saka siya naunang pumasok sa loob.

Pumasok na siya sa kanilang silid at nakagugulat isipin na wala na naman si Carla.

Bago na naman ang mga subjects nila at ang iba nilang mga guro. Lumipas ang dalawang period ay insaktong nakita niya si Terrence.

"Hey, are you busy?"

"Hindi naman. Why?"

"Can I talk to you for a minute?"

"Sure, about what?"

"About us."

Nagsalubong ang mga kilay nito at naguguluhang napangiti.

"Okay?"

Dumiretso sila sa garden na malapit sa building. Doon niya ipinagtapat sa binata ang namamagitan sa kanila ng kaibigang si Jeremiah.

"So, you're telling me that I'm rejected?"

Nangapa naman siya ng sagot. Wala siyang ideya na hindi pala ganoon kadali ang pag-usapan ang bagay na 'yon.

Nakapamulsa itong tumango-tango. Napadila ito sa kanyang labi bago siya tinapunan ng tingin kaya agad siyang napaiwas.

"I'm really sorry," 'yon lamang ang kanyang nasabi.

"Hindi mo kasalanan na ginusto kita, Elyse."

Ibinalik niya ang atensyon dito.

"And it is not also your fault kung hindi ako ang pinili mong gustuhin."

Napalunok siya ng laway. Napahigpit din ang kapit niya sa palda ng kanyang uniporme.

"I'm glad that as early as possible, you already told me that I don't have a chance."

"I just don't wanna give you false hopes, t-that's all."

Nagulat siya nang ngumiti ito.

"Thank you."

Nilapitan siya nito at inangat ang mukha niya pati na ang balikat niya.

"Don't feel sorry, okay? We're still friends. Or are we...?"

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon