XXV: CHAPTER 25

66 5 1
                                    

CHAPTER 25

Gabi na nang sila ay nakauwi. Dumiretso na rin ng uwi ang magbabarkada samantalang sabay naman sina Elyse at Jeremiah. Inilakad ni Jeremiah pauwi si Elyse at hinatid ito sa kanilang bahay.

Tahimik lang sila sa kanilang paglalakad. Tila malalim pa rin ang kanilang iniisip lalo na tungkol doon sa mga nangyari kanina.

Napatigil sila nang makarating sa harap ng bahay nila Elyse.

"Dito na lang ako," basag ni Elyse sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.

Pansin niyang kanina pa tahimik si Jeremiah. Siguro hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob nito tungkol sa sinabi niya kanina.

Pansin niya rin ang pagiging matamlay nito. Gusto niya itong tanungin kaso natatakot siya. Natatakot siya kasi hindi niya gusto ang pakikitungo nito sa kanya kanina at ang naging emosyon ng mukha nito nang magalit sa kanya.

"P-pasok na ako, salamat sa paghatid." Hindi siya makatingin nang diretso sa mga mata ni Jeremiah sapagkat nakatitig lang din ito sa kanya.

Tatalikod na sana siya upang tuluyan nang pumasok ngunit napatigil din nang tawagin siya nito.

"Elyse."

Nanigas naman siya sa kanyang kinatatayuan nang marinig ang malamig nitong boses. Tila bang nanayo ang mga balahibo niya sa kanyang mga braso. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit dahil lang sa simpleng pagtawag nito sa pangalan niya ay ganoon na ang naging epekto sa kanya.

Dahan-dahan niya itong hinarap. "W-what is it?" kinakabahang aniya.

Ilang sandali lang ay inilakad ni Jeremiah ang pagitan nilang dalawa at laking gulat na lang niya ang sunod nitong ginawa. Isinandal ni Jeremiah ang mukha nito sa kanyang balikat nang hindi man lang siya hinahawakan.

Sa sobrang gulat ay nanigas ulit siya sa kanyang pwesto at hindi makagalaw. Hindi na rin magkamayaw ang puso niya sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

"S-sorry, Elyse," muntik nang pumiyok ang paos na boses ni Jeremiah nang sabihin 'yon.

"S-sorry, Elyse. P-pasensya ka na talaga. W-wala akong kwentang kaibigan, s-sorry, sorry," ilang ulit pa na sambit nito.

Nanlambot ang puso niya dahil ramdam niya ang lungkot sa boses ng binata. Gusto niya itong pigilan sa paulit-ulit na paghingi ng tawad ngunit walang kahit ni anong boses ang lumalabas sa kanyang bibig.

"Sorry kung sa tuwing napapahamak ka, w-wala akong magawa para iligtas ka o protektahan ka man lang. Ang d-duwag-duwag ko. S-sorry, Elyse."

Tahimik lang siya at taimtim lang na pinapakinggan ang kawawang si Jeremiah na ilang beses pang bumubulong ng paghihingi ng tawad sa kanya.

"At saka, h-hindi rin totoo 'yung sinabi mo, Elyse. Na dahil lang sa boses mo kaya nandito pa ako at hindi ka iniiwan. Nandito pa rin ako kasi importante ka. Spesyal ka, hindi dahil kakaiba ka kundi dahil tinuring na kitang tunay na k-kaibigan..."

Nalungkot naman siya. Kaya pala pansin niya ring malungkot ito dahil lang sa sinabi niya kanina. Ngayon pa lang ay nagsisisi na siya dahil pinagdudahan niya ng ganoon si Jeremiah kahit pa na alam din naman niya lalo na ng puso niya na tunay ito at totoo sa kanya.

Laking gulat na lamang niya nang maramdaman niyang uminit ang kanyang balikat na tila ba nabasa ito.

Is he... crying?

Literal na siya ngayong nakanganga. Napatanga siya at hindi makapaniwala. Hindi pa siya sigurado kung umiiyak nga ito pero sapat na ang paghikbi nito para patunayan 'yon.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon