XL: CHAPTER 40

51 5 1
                                    

CHAPTER 40

Kasalukuyang nag-aayos ng kani-kanilang mga instrumento sina Elyse at ang banda maliban kay Kou na kanina pa nila hinihintay.

"Ang tagal naman ng hapon na 'yon! Nagdate na naman siguro 'yon. Chickboy talaga ang loko!"

"I called him several times already, hindi sumasagot. Next month na ang competition, ngayon pa siya malalate," reklamo ni Terrence.

"Good morning!"

Napalingon silang lahat sa pintuan nang pumasok si Kou. Napakagaan at napakaliwanag ng awra ng kabuuan nito. Napakatamis din ng kanyang ngiti na tila ngayon lang nila nakita.

"Hoy, late ka na nga ngingiti-ngiti ka pa riyan."

"Pasensya na, nagpapogi pa ko ng slight, eh, hehe."

"Papogi? Kanino, sa girlpren mong cheer leader? 'Di ba, break na kayo n'on?"

Bago pa ito makasagot ay napalingon na naman sila sa pumasok.

"Hi, guys..."

"Zach? Bakit napaaga yata ang punta mo rito?" nagtatakang tanong ni Elyse.

"Ah, h-hahaha. Wala, ano kasi... may naiwan si Kou. Ibabalik ko lang sa kanya."

"Bakit baby, ano 'yung naiwan ko?"

Parang nagsipagtunugan naman ang huni ng uwak nang marinig ang sinabi ni Kou. Halos lahat ay nakanganga sa sobrang gulat kahit si Zach.

"B-baby?"

"O, bakit? Ano ang masama sa call sign namin?" nakakunot ang noo na tanong ni Kou saka inakbayan si Zach. Nailang naman ito kaya napayuko lang siya.

"C-call sign? Baby?"

"K-kayo? Ni Zach?"

"Sandali, may relasyon ba kayo?!"

"Hey, tell us what's going on, Kou?" si Terrence na ngayo'y nakangiti na dahil tila may ideya na nga ito sa mga nangyayari. Nakangiti na rin si Elyse pero tila naguguluhan pa rin.

"Wala namang masama na magkagusto ako sa gaya ni Zach, 'di ba?"

Bakas ang gulat sa mukha ng lahat.

"HOLY SHET!"

"WHAT THE FUCK?!?

"Gago, magkano?!"

"Tangina mo! Hahahaha!"

"Seryoso?!"

"Oo nga, 'di ba, Zach?"

Dahan-dahan namang sumagot ng tango si Zach kaya mas lalo pang umingay ang silid.

"SHET! BAKLA LANG PALA KATAPAT MONG HINAYUPAK KA!"

"Come here, guys. I'll hug you for being brave," ani Terrence saka niyakap ang magkasintahan.

"I'm happy for you, Zach."

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon