XXIV: CHAPTER 24

55 4 0
                                    

CHAPTER 24

Umupo sila sa buhanginan sa tabi ng dagat. Dito dinala ng magbabarkada si Elyse at labis naman ang pagkamangha ng dalaga nang makarating dito. Tila sila lang kasi ang mga taong naroroon at napakapayapa ng paligid lalo na't hampas ng alon lamang ang matunog sa lugar na 'yon.

"Chicken and beer!"

"WHOO! Namiss ko 'to!"

Hindi makapaniwala si Elyse. "You guys... do this really often?"

"Hindi naman palagi, minsan lang," sagot ni Qeusav saka bibigyan sana siya ng beer in can na agad din namang kinuha ni Jeremiah.

"Hindi pwede," umiiling na sabi nito saka inilayo 'yon.

"Sus, makaasta ang iba riyan akala mo naman boypren! Hahahaha!" tawa ni Seven.

Nailang naman si Elyse kaya kinuha niya rin 'yon pabalik. "Iinumin ko 'to."

"Nice!"

Nilagok naman niya 'yon nang walang pag-aalinlangan. Nakalahati niya na 'yon nang mapatigil siya dahil napansin niyang nakaawang na ang mga labi ni Jeremiah sa kanya. Gulat na gulat ang itsura nito.

"What?"

Napailing lang ang binata. "Wala, n-nagulat lang ako. Ang lakas mo palang uminom."

"Beer lang naman, eh. Want some?" alok niya rito.

"H-hindi ako pwede niyan."

Napatango-tango siya. "Yeah, bakit pala hindi ko naman naisip 'yon? Bawal nga pala 'to sa mga mahina ang puso." Uminom siya ulit at napatigil na naman sa ikalawang pagkakataon nang mapansin niyang halos lahat sila ay tahimik na at nakatingin lamang sa kanya.

"What are you looking at people?"

"Mahina ang puso? Nitong si Jeremiah?" turo ni Chiko sa kaibigan. Napatingin din siya kay Jeremiah at sumesenyas na ito ngayon sa kanya na tumahimik ngunit walang nagawa 'yon upang pigilan siya sa sunod niyang sinabi. "Jeremiah has heart disease, hindi niyo alam?"

Natahimik sila ulit. Nagtataka naman siyang napatingin kay Jeremiah at nakayuko na ito ngayon.

"Hindi niyo talaga alam?"

"Totoo ba 'yon, Jeremiah?" Kinilabutan naman si Elyse nang marinig na magsalita nang seryoso si Seven. Nakakunot na rin ang noo nito. Sina naman ni Qeusav at Chiko ay mukhang nagtataka na rin at dismayado.

What the? Hindi ko sinasadya... I thought, alam din nila.

"Jeremiah, sagutin mo si Seven."

Nakayuko lang ang binata. Kinabahan naman si Elyse dahil sa tensyon ng mga nangyayari. Hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang sarili niya. Kung hindi lang sana niya sinabi 'yon.

"I-I'm sorry, Jeremiah. Hindi ko alam na hindi nila—"

"Tapos si Elyse alam niya? Samantalang kami na matagal mo nang kaibigan, nilihim mo sa amin?" ani Chiko na agad din namang sinabat ni Jeremiah. "Walang kasalanan si Elyse dito. Kasalanan ko kasi... h-hindi ko sinabi sa inyo." Yumuko ito at bumuntong-hininga.

Agad na namang tumahimik ang paligid. Hindi tuloy mapakali si Elyse. Mukhang dahil pa yata sa kanya, eh, mag-aaway-away ang magkakaibigan.

"Kailan pa, ha?"

Napakagat muna si Jeremiah sa kanyang labi bago sumagot. "Simula pa noong bata ako."

Hindi naman sila makapaniwalang napaiwas ng tingin sa sobrang pagkadismaya. Mayroon ding napapailing at napapahilamos ng mukha.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon