XII: CHAPTER 12

80 6 0
                                    

CHAPTER 12

Kasalukuyang inililigpit ni Elyse ang kanyang gitara. Hinihintay naman siya ni Jeremiah na nasa tabi niya. Nasa loob pa rin sila ng gym at nandoon pa naman ang karamihan sa mga kapwa nila estudyante. 'Yung iba, panay kuha pa ng litrato at 'yung iba naman, nagliligpit na rin ng mga upuan.

"Nauna na pala 'yung papa mo, sabay na lang tayo."

Isinukbit niya na ang kanyang gitara sa kanyang likod.

"Tara."

Lalabas na sana sila ng gym nang harangan sila ni Carla at ang dalawa pa nitong mga kasama. Nakangiti ito nang matamis sa kanya.

"Hi, Elyse. Hi, Jeremy. Congratulations! We, your co-grade 12 students are very proud of you guys!" pumapalakpak na sabi ni Carla at sinabayan naman siya ng kanyang mga kasama.

"S-salamat," nahihiyang sambit ni Elyse. Hindi niya lubos akalain na masasabi 'yon ni Carla sa kanya.

"And guess what, nag-usap-usap kami ng buong batch na magkakaroon tayo ng victory party for the both of you!" natutuwang sabi nito.

Napatingin si Elyse kay Jeremiah at halata sa mukha ng binata na hindi ito kumbinsido.

"P-pero, bakit kailangan may gano'n pa?"

"Duh, you represented our batch kaya. Don't worry, wala kayong gagastusin. Kayo ang guest namin!" tili pa nito na halatang sabik na sabik na sa gaganaping party.

Napatingin siya sa binata na tila tinatanong kung sasama ito. "Hindi ako pwede, may pupuntahan ako, eh," sagot nito sa kanya.

"Sad. Ikaw, Elyse? 'Wag mo sabihing ayaw mo rin dahil ayaw niya? We won't take a no for an answer." Ipinagkrus ni Carla ang kanyang mga braso.

Hindi niya maiwasang magtaka kung bakit mukhang ayos lang sa kanila na hindi sumama si Jeremiah ayon sa naging sagot ni Carla sa sinabi nito.

Napatingin siya sa binata sa ikalawang pagkakataon. Parang kinokunsulta pa niya rito kung papayag ba itong sumama siya sa kanila o hindi.

"Kung gusto mo, sumama ka."

Bumuntong-hininga siya saka ibinalik ang tingin kay Carla.

"Sige." Oras na rin siguro ngayon para subukan ni Elyse ang mga bagay na 'yon at makipaghalubilo sa marami.

"YES! Okay, tomorrow night, 7 pm, my place! See 'ya!"

Tuluyan na umalis ang mga ito matapos siyang mapapayag. Narinig niya pang humalakhak ang tatlo habang lumalayo sa kanila pero hindi niya na 'yon pinansin pa.

"Alam mo, wala talaga akong tiwala sa Carla na 'yan," ani Jeremiah nang makalabas sila ng gym.

"Bakit naman?"

Tumingin ito sa kanya. "Kilala mo naman siguro 'yon. Bully siya saka mahilig siyang manghila ng mga taong nasa taas. At kung titingnan ko, ikaw 'yung taong nasa tuktok ngayon. Maraming tao ang nagustuhan ka nang dahil sa pagkanta mo. Malamang, naiinggit 'yon sa 'yo."

Natahimik siya pero napaisip din. "Hindi naman siguro gano'n."

"Pero kung gusto mo talagang pumunta, hindi kita pipigilan. Saka, baka ito na rin ang panahon kung saan makakahanap ka na ng mga magiging kaibigan mo," matamis itong ngumiti sa kanya.

Hindi niya lubos akalain na magiging ganoon kaguwapo sa paningin niya si Jeremiah. Noong una, hindi niya maipaliwanag ang inis dito pero ngayon, hindi niya naman maipaliwanag ang gaan na kanyang nararamdaman sa tuwing kasama niya ito.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon