LIV: Chapter 54

28 5 0
                                    

CHAPTER 54

Gabi na rin nang makauwi si Jeremiah sa kanilang bahay. Napatayo naman si Kou na nakaupo sa sofa nang mapansin siya.

"Si Zach?"

Tiningnan niya lamang ito. Napakunot siya ng noo nang mapansin niyang namumugto ang mga mata nito.

Umiyak ba siya? Ang lala ng eyebags niya. Tapos 'yung pasa niya, tsk.

"Sila nanay? Tulog na ba?" tanong niya muna rito.

"Oo, nagpahinga na rin kasi anong oras eh."

Tumango siya at umupo sa sofa. Sumunod din ito ng upo.

"So, how's Zach? Kumusta ang lagay niya? Delikado ba? Ano? Sabihin mo sa 'kin, please?" halata ang pag-aalala sa tono ng boses nito.

Matamlay siyang ngumiti rito at tinapik ang balikat niya. "Maayos ang lagay niya, 'wag kang mag-alala."

"Thank God pero, sigurado ka?"

"Oo nga. Magpahinga ka na, para may lakas ka para bisitahin siya bukas."

Napansin naman niya na nagbago naman ang reaksyon ng mukha nito.

"O, bakit? Ano ang meron sa mukhang 'yan?"

Natahimik ito ng ilang segundo bago umiling. "Sa tingin ko kasi hindi naman magiging masaya si Zach na makita ako."

"Wala pang malay si Zach, okay? Ang sabi baka umabot pa raw 'yon ng dalawang araw."

"T-talaga?"

"Oo raw eh, 'yon ang sabi ng kapatid niyang si Zion."

Tumango ito. "Hindi ko pa rin siya makikita."

Kumunot ang kanyang noo. "Bakit naman?"

Natawa ito pero alam niya ang lungkot na nakalihim doon.

"Alam mo naman. Everyone hates me there. 'Yung kuya niya, si Elyse, at kung dadalaw 'yung mga kaibigan ko.. panigurado magiging galit din ang mga 'yon sa 'kin."

"Kung ano-ano kasi ang iniisip mo eh."

"Basta, balitaan mo na lang ako about kay Zach. Babayaran na lang kita kahit magkano. Basta bantayan mo lang siya para sa akin."

Natawa siya rito. "Hindi ba pwedeng gawin ko na lang 'yon nang walang kapalit? Kaibigan ko kayong pareho. Bakit naman ako magpapabayad?"

Natulala ito sa kanya at napansin niya naman 'yon.

"K-kaibigan?"

"Oo, at ano na naman ang tingin na 'yan, Kou? Na-fafall ka na ba sa 'kin?"

"Tangina mo!"

Hinampas naman siya nito ng unan kaya natawa siya.

"Langya ka, nababakla ako sa mga titig mo eh! Ikaw rin, bahala ka," natatawang asar niya.

"B-bakla na kung bakla, kay Zach lang, tss."

Napangiti siya rito. "Iba talaga nagagawa ng inlove eh."

Naasar naman ito sa kanya. "Matulog ka na nga! Ingay mo!"

"Ikaw ang maingay, nasigaw ka diyan eh."

"Ay."

Nagsimula nang lumalim ang gabi kaya naisipan na nilang matulog.

***

Maagang nagising si Kou at nag-ayos. Madaling-araw pa lamang ay umalis na siya para balikan si Zach sa ospital.

Papunta na sana siya sa hospital room nito nang makita niyang lumabas doon si Terrence. Agad naman siyang nagtago at lumayo roon. Pumunta siya sa isang bahagi ng ospital na malayo sa kwarto kung saan naroroon si Zach. Naupo lamang siya roon hanggang sa hindi niya na namalayan ang antok dahil kinulang ito sa tulog.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon