LXVI: Chapter 66

19 5 0
                                    

CHAPTER 66

Kinakabahang tinahak ni Elyse ang daan papuntang gym. Araw na ng huwebes ngayon at ngayong araw na rin gaganapin ang general practice nila sa harap ng kanilang mga schoolmates at faculty members.

Bitbit ang gitara ay pinasok niya ang wala pa masyadong katao-tao na gym. Inaayos pa ang mga gamit nila sa entablado lalo na ang mga instrumento nila Kou at sari-saring mga mic at speakers.

"Nervous?"

Napalingon siya nang may magsalita sa kanyang likod. Si Terrence ito at halatang kararating lang din.

"H-hindi naman masyado.." napayuko siya at napahigpit ang kapit sa strap ng lalagyan ng kanyang gitara na nakasabit sa kanyang likod.

Tinapik siya ng binata sa kanyang balikat. "Remember what I've told you, Elyse."

Napaangat siya ng tingin dito.

"Just look me in the eyes."

Nanatili siyang tahimik sa sinabi nito. Alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin kaya napatango na lang siya dahilan para mapangiti na naman ang binata.

"Diyan ka na muna, hintayin mo sila ni Alpha."

Umalis na ito at nakipag-usap sa mga nagseset-up ng stage doon. Napayuko siya at napabuntong-hininga.

I can do this.

Makalipas ang dalawang oras, dumadami na ang tao sa gym. Kinansela ang lahat ng klase upang manood sa kanila. Nandito na rin ang mga kabanda ni Elyse pati na si Zach.

"Good luck, sis! Alam kong kaya mo 'yan!" tili ni Zach.

"S-salamat."

"Naku, halatang kinakabahan ka ah. 'Wag kang kabahan, okay? Nando'n lang kami manonood kasama ng mga kaibigan ni Jeremiah."

Tatanungin pa sana niya kung nasaan nga ito dahil hanggang ngayon ay tila hindi yata siya makakapagsimula kung hindi marinig ang pag good luck ng kaibigan sa halip ay lumapit sa kanila ang mga barkada nito.

"Elyse, good luck ah!"

"Naku, galingan mo dahil magaling ka na talaga!"

"Alam mo, Seven.. walang saysay ang mga sinasabi mo."

"Ano'ng mali sa sinabi ko, kano?!"

"Shh! Shut up! Ang ingay niyo!" kontra ni Zach.

"Manahimik ka diyan bakla ah! Kung hindi ka lang na aksidente, binatukam na kita!"

Natigilan naman sila nang biglang umeksena si Kou at inakbayan si Zach.

"May problema ka sa boyfriend ko?" angas na sabi nito.

"W-wala naman, hehe. Good luck, brad."

"Tss."

Hindi naman nakasabay si Elyse sa kanila dahil iniisip niya pa rin si Jeremiah. Nahihiya rin siyang magtanong sa mga barkada nito kung nasaan na nga ito.

Ilang sandali lang ay nagulat na lamang siya nang may biglang humila sa kanya at nilabas siya sa gym. Nang kanyang mapagtanto kung sino 'yon ay lumiwanag ang kanyang mukha.

"J-Jeremiah!"

"Hi.." ngiti nito sa kanya.

Wala na masyadong tao sa labas dahil ang halos ng mga estudyante ay naroroon na sa loob.

"A-akala ko.. hindi ka darating."

Bahagya itong natawa. "Pwede ba 'yon?" Pinisil siya nito sa kanyang pisngi.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon