XXXV: CHAPTER 35

63 6 2
                                    

CHAPTER 35

Kumuha naman si Elyse ng kanyang notebook nang inatasan sila ng kanilang guro na gumawa ng isang activity.

"Ah, Sarmiento?"

"Yes, miss?" sagot niya nang lapitan siya ng kanilang titser.

"Tawag ka ni Mr. Navarro sa labas. Dalawa kayo ni Carla."

Napatingin naman siya kay Carla na nandodoon na sa pinto at nakatingin na nang masama sa kanya.

"Sige po."

Agad na siyang tumayo at bago pa siya makalabas nang tuluyan ay may ibinulong sa kanya si Carla nang madaanan niya ito.

"Humanda ka sa akin. Kasalanan mo 'to, Elyse."

Hindi niya na 'yon pinansin at sabay na silang lumapit kay Mr. Navarro na nakahalukipkip nang naghihintay sa kanila sa labas ng kanilang silid.

"Sarmiento, Gonzaga, papuntahin niyo ang inyong mga magulang dito bukas na bukas din dahil pag-uusapan natin ang naganap na gulong ginawa ninyo noong nakaraang araw. Alam niyo bang kumalat sa social media ang video niyong nag-aaway, ha?" ma-awtoridad na sabi nito.

Nagkatinginan silang dalawa ni Carla at inirapan lang siya nito. Alam naman niya sa kanyang sarili na hindi siya lumaban at hindi niya pinatulan ang kaklase pero nanatili na lamang siyang tahimik at hindi na kumatwiran pa.

"But sir, hindi naman 'yon mangyayari kung hindi lang naman dahil kay Elyse, eh. S-saka busy rin 'yung parents ko, sir. A-alam niyo na sa work... gano'n."

"Kami na mismo ang tatawag sa kanila, Carla para siguradong makakapunta sila."

"But, sir—"

"Sure, I'll bring my dad here tomorrow. Is that all? Can I go inside now? I still have work to do. Excuse me."

Nilisan niya na ang pag-uusap na 'yon at pumasok ulit sa kanilang silid. Napabuntong-hininga na lamang siya.

Bahala na kung paano ko na naman 'to i-e-explain kay dad.

Sumapit ang oras ng recess at nadaanan naman ni Jeremiah ang kanilang silid nang siya ay lumabas kaya sumabay na lang siya rito. Naikuwento niya na rin agad dito ang tungkol sa pagpapatawag sa kanilang mga magulang.

"Totoo? Eh, wala ka namang kasalanan do'n, ah? Sa totoo nga dapat 'yung mga magulang lang ni Carla ang ipatawag dito. Kung ipapatawag man ang papa mo, 'yon ay para na rin marinig niya mismo sa Carla na 'yon ang humingi ng tawad sa 'yo."

"I'm worried."

"Bakit?"

Natahimik siya bago sumagot. "Imbes kasi na maayos 'to kaya ipapatawag parents namin, alam kong mas lalo lang 'tong lalala. You know Carla, mamaya mabibigla ka na lang... hinuhukay niya na pala ang libingan ko."

"Sshh, naman!" naiinis na sabi ng kaibigan at kumatok sa nadaanan nilang pinto na gawa sa kahoy. Sa hallway kasi sila dumaan papuntang cafeteria.

"Why did you do that?"

"Knock on the wood! Parang sinasabi mo kasi na mamamatay ka nang dahil sa kanya—ay amp!" naiinis ulit na sabi nito at kumatok naman sa nadaanan nilang panibagong pinto.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon