XIV: CHAPTER 14

76 6 5
                                    

CHAPTER 14

Pilit na iniiwasan ni Elyse na pansinin ang kakaibang pagtingin ng mga kapwa niya estudyante na kanyang nadadaanan. Aminado siya na kumalat na sa buong campus nila ang tungkol sa kanyang kahinaan. Sa kabila ng takot at kahihiyan ay pinili niya pa ring pumasok at hindi intindihin ang mga mapanghusgang tingin at salitang natatanggap niya.

"Sis, sabihan mo lang ako kung a-attack na 'ko, ha," bulong ng kaibigan niyang si Zach habang naglalakad sila sa gitna ng hallway.

"Hayaan mo sila."

"Anong hayaan ka riyan? Inapi ka na nila noong party at wala akong nagawa kasi wala ako ro'n. Sana kahit ngayon man lang, may magawa ako para sa 'yo." Ngumuso ang kanyang kaibigan pero hindi niya na ito pinansin pa.

Natigil lang sila sa paglalakad nang harangan sila ng apat na lalaki o kilala sa tawag na X-AXIS, ang sikat na banda ng kanilang school.

Si Alpha, ang guitarist.

Si Kou, ang drummer.

Si Luke, ang pianist.

At si Terrence, ang vocalist.

Hindi alam ni Elyse kung ano ang dahilan nang pagharang ng mga ito sa kanila pero bakas ang gulat sa mukha ng lahat pati na rin sa kaibigan niyang si Zach.

"Have you remembered what I told you the last time?" pambungad sa kanya ni Terrence habang hindi tinatanggal ang pagtitig sa kanyang mga mata.

"Sis, sumagot ka!" pabulong na sigaw sa kanya ni Zach.

Napayuko siya at napatingin sa paligid. Pinagbubulungan na naman siya ng mga tao lalo na ng mga babae.

"Pwede, 'wag dito?"

"Sure, let's go to our dorm." Nauna na silang maglakad matapos sabihin 'yon ni Terrence at mas lalo pang lumakas ang bulungan matapos n'on.

"Sa dorm daw?!"

"Wala pang may nakakapasok na babae sa dorm ng X-AXIS! EVER!"

"Gosh, I envy her!"

"Wala na talaga may ginawang maganda ang babaeng 'yan!"

"Oo nga, matapos kunin ang winning place ng duet category, ngayon mukhang kukunin pa yata sa atin ang atensyon ni Terrence."

"Aargh! Sana mawala na siya rito!"

Hindi niya na pinansin ang sama ng loob ng karamihan sa kanya ngayon at tumungo na roon sa dorm ng X-AXIS.

Mayroong sariling dorm ang bandang ito sa kanilang campus sapagkat si Terrence ay apo ng may-ari ng lupang kinatitirikan ng paaralan nila. Maliban doon, marami na ring karangalang iniuwi ang banda nila sa kanilang campus kaya malaki rin ang utang na loob ng kanilang paaralan sa kanila.

"Sis, first time kong makapapasok sa dorm ng X-AXIS! Matutupad na ang dream ko nang dahil sa 'yo!" tili ng kanyang kaibigan habang tinatahak nila ang daan papunta roon.

"Big deal ba 'yon?" inosenteng tanong niya rito.

"Tinatanong pa ba 'yan?! Syempre! Nakita mo ba ang mga tingin ng mga tao sa 'yo kanina? Lalo na ng mga ambisyosang frog do'n? Tingin ng inggit 'yon! TINGIN NG INGGIT!" Napakunot siya ng noo.

"Saka, halos lahat kaya ng mga babaeng nag-aaral dito pangarap 'yon. Makailang beses na rin nga na may nag-attempt na mga akyat-bahay slash desperadang mga higad na pumasok doon pero dahil nga desperada sila, ayon pinagtripan nila."

Nasa harapan na sila ng dorm ng banda at pinapasok na si Elyse samantalang natigilan naman si Zach nang harangan siya ni Kou.

"Oops, hanggang diyan ka lang, bakla," ngisi nito sa kaibigan kay Zach.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon