LIII: Chapter 53

34 5 0
                                    

CHAPTER 53

"Baby, k-kumapit ka.. 'wag mo 'kong iiwan.. please?"

Nanginginig na si Kou sa sobrang takot habang dinadala si Zach sa pinakamalapit na ospital. Takot sa mangyayari pa kay Zach at takot sa posibilidad na tuluyan na itong mawala sa kanya.

Nasa loob sila ng ambulansya at hawak niya lamang ang kamay nito habang hinahalikan 'yon. Punong-puno na ng dugo ang kanyang puting uniporme dahil hindi niya kayang bitawan si Zach.

"Lumaban ka, Zach. H-hindi pwedeng ganyan.. if ayaw mo akong makita na, 'wag mo namang idamay lahat ng n-nagmamahal pa sa 'yo."

Naiyak na siya sa labis na takot. Ayaw niyang mawala si Zach. Mahal niya si Zach at hindi niya masukat sa sarili kung gaano siyang nangangamba sa isiping mawawala ito sa kanya nang literal.

Dumating na sila sa ospital at hindi naman siya pinapasok sa emergency room. Naiwan siyang nasa labas at nagsimula na namang magwala. Pinakalma naman siya ng ibang nurses at binigyan ng tubig. Ilang minuto lang din ay kumalma na siya ngunit malalim pa rin ang iniisip.

Bumabalik sa kanya ang mga masasayang alaala nila ni Zach pati na ang mga ginawa niyang hindi maganda rito. Wala na siyang mailalabas na luha dahil tulala lamang siya at pakiramdam niya ay nananaginip lamang siya. Isang masamang panaginip.

"Where the fuck is my brother?!"

"Sir! He's in the emergency room po. You can only wait here outside."

Napatayo naman siya nang makita ang mga kapatid ni Zach. Nagtama ang mga tingin nila ng isang kuya nito na si Zeus at ilang segundo lang ay sinalubong siya ng suntok.

"Walang hiya ka!"

"Zeus, enough!"

Napahandusay si Kou sa lakas ng suntok nito.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita rito! Matapos mong saktan ang kapatid ko! Isang araw umuwing umiiyak nang dahil sa 'yo!" sumbat nito sa kanya.

Tumulong na rin ang mga nurse na lalaki sa pag-awat sa kapatid nito.

"You don't deserve, Zach! At wala kang karapatan na magpakita pa rito! Lumayas ka!"

Tumayo siya at napayuko sa hiya. Oo, tama ang kuya nito. Hindi niya deserve si Zach. Ginulo niya lang ito at kung hindi nga siya siguro dumating sa buhay nito ay matahimik at matiwasay sana itong nabubuhay ngayon.

Ilang sandali lang ay biglang dumating sina Jeremiah at Elyse.

Nagtama ang mga tingin nilang tatlo lalo na nilang dalawa ni Jeremiah.

"Umalis ka na!"

Dahan-dahan siyang naglakad at nilagpasan silang lahat.

"Kou."

Napatigil siya at hinarap ang tumawag sa kanyang si Elyse.

"'Wag ka nang babalik dito," malamig at may halong hinanakit na sabi nito. Sa huling pagkakataon ay nagkatitigan sila ni Jeremiah na bakas ang awa sa mga mata nito bago niya naisipang tuluyan nang umalis.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon