XX: CHAPTER 20

84 5 3
                                    

CHAPTER 20

"Nakalulungkot, ngunit kailangan nating tanggapin ang desisyon ni Mr. de la Vega. Ang mawalan ng isang ina ay ang pinakamasakit sa lahat lalo na sa lagay ni Terrence. He's under depression right now at ang pagsali sa Battle of the Bands ay hindi na yata posible pa."

Nalungkot ang lahat sa sinabi ng guro nila ni Elyse na si ginoong Navarro. Alam na ng buong campus ang nangyari sa ina ni Terrence. Halos karamihan ay nalungkot at nakikiramay sa binata.

Sabay na kumain ng pananghalian sina Zach, Elyse at Jeremiah sa cafeteria. Pinag-uusapan din nila ang sinapit ng ina ni Terrence.

"Nakalulungkot 'no? Kawawa naman si Terrence. Kapag si muvah kes mawala? Jusko bes, magsusuper crayola ang bakla," si Zach habang kumakain sa kanyang lunch box.

"Kahit ako hindi ko kakayanin kapag mawala si nanay," wika ni Jeremiah saka umiling-iling sa isiping 'yon.

"Ikaw, Elyse? 'Pag nawala si mama mo, ano'ng gagawin mo?"

Natigilan si Elyse sa kanyang pagkain dahil sa itinanong ni Jeremiah sa kanya. Ang alam niya ay naibahagi niya na 'yon sa binata ngunit hindi na niya 'yon pinansin. Walang emosyon ang mga mata siyang napaangat ng tingin dito saka sumagot.

"She died 12 years ago."

Bakas ang gulat sa mukha ng dalawang kaibigan. Gulat na gulat ang reaksyon ni Zach samantalang napayuko naman si Jeremiah.

"S-sorry, sis. Hindi ko knows."

"P-pasensya rin. N-nakalimutan ko, nasabi mo na pala sa akin 'yan..."

Tumango lang si Elyse na nagsasabing ayos lang.

Naging tahimik ang kanilang lamesa matapos ang pag-uusap na 'yon. Ilang sandali lang ay may tatlong lalaki na umupo sa table nila at ang iingay ng mga ito.

"Ano ba, Seven?! Umayos ka nga! Para kang aso."

"Shut up! Baka i-high kick kitang hayup ka."

"Huy, ingay-ingay niyo. Nakikiupo lang nga kayo rito eh."

"Huwaw! Hiyang-hiya ako sa 'yo, brad."

Nagsitigil naman sila nang magsalita si Jeremiah.

"Hoy, hoy! Ano'ng ginagawa niyo rito?"

"Aba, pinapaalis mo ba kami? Nakahanap ka lang ng bagong kaibigan. . kinalimutan mo na kami."

These guys... are Jeremiah's friend? Akala ko, wala siyang kaibigan?

"Ano ba naman kayo, syempre hindi. Mag L-LQ na naman ba tayo dahil dito?"

Hindi inaasahan ni Elyse ang naging sagot ni Jeremiah sa mga kaibigan. May mga katangian pa pala talaga siyang hindi nakikita kay Jeremiah. Iba kasi ang pakikitungo nito sa mga barkada niya at iba rin sa kanya.

"Brad." Lumapit ang lalaking halatang may lahing banyaga dahil sa tangos ng ilong nito at dahil na rin sa asul niyang mga mata. "Pakilala mo naman kami riyan sa crush mo." Siniko naman ni Jeremiah ang kaibigan.

"Ay, ako ba? My name is Zach! Hello!"

"Vaklang 'to! Si Dora tinutukoy namin, 'wag kang ambisyosa. Teka, dati kalaro pa kita ng GTA noong elementary, ah!"

"Ihh, iba na ngayon," sagot naman ni Zach kay Seven.

"Ah, Elyse, Zach, mga kaibigan ko. Si Qeusav," tinuro nito ang lalaking may ibang lahi, "si Seven," tinuro nito ang lalaking maingay, "at si Chiko," tinuro nito ang lalaking mukhang mayaman dahil sa kanyang ayos.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon