XXXI: CHAPTER 31

52 5 0
                                    

CHAPTER 31

Kasalukuyang naglilinis at nagliligpit si Elyse sa music room. Doon kasi sila nagpractice dahil hindi sila makapagpractice doon sa dorm ng banda sapagkat masama ang pakiramdam ni Kou at nandoon siya't nagpapahinga. Mag-isa lang siya roon dahil tinawag sila ni Terrence ng faculty upang pag-usapan ang gagawin nilang performance para sa pinakahinihintay na Battle of the Bands.

Napalingon siya sa pinto nang may narinig siyang kumatok doon. Agad naman siyang umiwas nang magtama ang mga tingin nila ni Jeremiah.

"Pasok ako, ah? May kukunin lang, inutusan ako ni sir Navarro."

Tango lang ang isinagot niya saka patuloy sa pagmop ng sahig. Bahagya niya namang tinatapunan ng tingin ang binata habang may hinahanap ito.

Sobrang naiilang siya sa mga oras na 'yon. Ang isipin na nasa isang silid sila ni Jeremiah na tila ba mga estranghero ay mas lalong pumipigil sa kanya upang kausapin ito. Wala namang dapat sisihin sa nangyari dahil isang maliit na hindi pagkakaintindihan lamang 'yon.

"Nahanap ko na." Napalingon siya nang magsalita ulit ito. Libro pala 'yon ng kanilang guro.

Tumango lang siya ulit at pinagpatuloy na naman ang pagmomop para mawala sa kanyang pansin ang presensya ng binata.

Ilang segundo pa ang lumipas nang lingunin niya kung saan ito nakatayo kanina sa pag-aakalang umalis na nga ito pero laking-gulat na lamang niya nang makitang nakatayo pa rin ito doon at kanina pa pala pinagmamasdan ang kanyang ginagawa.

"A-akala ko ba... umalis ka na?"

"Pinapaalis mo na ako?"

Agad siyang umiling. "No, of course not," umiwas siya ng tingin at saka bumulong, "why do you always think of that?"

Binilisan na lang niya ang paglilinis nang makaalis na siya roon. Niligpit niya na ang kanyang mga ginamit sa paglilinis at lalabas na sana ng pinto nang marinig na kumanta si Jeremiah kaya natigilan siya doon.

"Do you hear me,
I'm talking to you"

Napapikit siya habang nakatalikod pa rin dito. Hindi niya alam na ganito niya palang mamimiss ang kumakantang boses ng binata.

"Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying"

Tumigil ito sa pagkanta na parang hinihintay ang magiging sagot niya. Dahan-dahan niyang hinarap ang kaibigan. Binaba niya ang hawak na mop at baldeng ginamit niya sa paglinis ng silid. Tiningnan niya lang ito ng ilang saglit bago naisipang sagutin ang pagkanta nito.

"Boy I hear you in my dreams"

Unang banat niya pa lang ng pagkanta ay agad na nitong napangiti ang binata.

"I feel your whisper across the sea"

Hinakbang niya ang distansyang pumapagitan sa kanila ng kaibigan.

"I keep you with me in my heart"

Tumigil siya nang makaharap na ito nang malapitan. Nakatitig lang sila sa mga mata ng isa't isa.

"You make it easier when life gets hard.."

Bulong niya sa huling linyang binanggit. Tila konektado ang kanilang mga utak nang sabay silang ngumiti sa isa't isa. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago nila paghawakin ang kamay ng bawat isa at sumayaw sa himig ng kanilang sabay na pagkanta.

🎶 "I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Oh oh oh oh oh oh oh oh

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon