III: CHAPTER 3

228 14 0
                                    

CHAPTER 3


Nasa loob ng library si Elyse para gawin ang inihabilin na group work sa kanila ng kanilang research teacher ngunit, dahil nga isa itong group work activity ay mag-isa na naman niya 'yong gagawin. Mas pipiliin na lamang kasi niya na mag-isang gawin ang isang bagay kaysa sa may kasama pa. Doon kasi siya komportable, ang walang may makikialam sa mga ginagawa niya.

Naglakad siya patungo sa mga bookshelves. Masyadong mataas nga ang mga bookshelves ng library ng school nila kaya kakailanganin mo pang gamitan ng hagdan kapag may kukunin kang libro sa itaas na hindi mo maabot.

Ginamit niya ang hagdan at saka siya dahan-dahan na umakyat. Hinanap niya ang librong nais gamitin saka niya ito kinuha.

Maingat at dahan-dahan siyang bumaba at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nalaktawan niya ang isang hakbang dahilan para siya ay mapabitaw doon at muntik nang tumama ang katawan sa sahig kung hindi lang sana siya sinalo ng isang pamilyar na lalaki.

"A-ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Siya 'yung lalaki sa labas ng classroom at 'yung sumunod sa akin.

Sinalo siya ng lalaki na nagkataon namang si Jeremiah. Nasalo siya nito at nabuhat na pangkasal. Hindi ipinahalata ni Elyse na gulat na gulat siya at parang naiilang. Medyo natagalan na kasi sila sa ganoong posisyon at hindi na siya komportable roon. Nabalisa rin siya nang maramdaman niyang nag-aabnormal ang pagtibok ng kanyang puso kaya agad na siyang umiwas ng tingin saka bumaba.

Yumuko si Elyse at hindi makaangat ng tingin sa lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan. Habang patuloy pa rin siya sa pag-iwas ay siya rin namang pilit ng binata na makita ang kanyang mukha.

"Bakit ka umiiwas sa akin?" inosente at may halong lungkot na sabi nito.

"I hate it when people are staring at me."

"Paano ba naman kasi, naka-eengganyo ang tingnan ka," matamis ang ngiti na sabi pa nito.

Iba ang naging epekto ng pagsabi ni Jeremiah ng mga salitang 'yon sa kanya. Hindi niya na naman maipaliwanag ang mabilisang pagtibok ng kanyang puso. Para siyang hihikain sa lagay niya.

Ano naman ang naka-eengganyo sa mukha ko at kailangan niya pa talagang sabihin 'yon? Saka, bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Maliban kapag tuwing hinihika ako, bago sa akin ang pakiramdam na ito.

"Lumayo ka sa akin, ayaw ko sa 'yo," matigas na pagkakabigkas na aniya saka siya nakayukong umalis habang yakap-yakap ang librong kinuha.

Umupo siya sa isang table, malayo sa mga kaklase niya, malayo sa mga tao. Pansin din niyang nilalayuan siya ng mga kaklase niya. May naririnig pa siyang mga usap-usapan na isa raw siyang mangkukulam dahil sa ugali niya na masama kung makatingin at hindi masyadong nagsasalita. Ibinalewala niya ang mga sabi-sabing 'yon, wala naman kasing totoo roon.

Sinubukan niyang gawin ang activity nang maayos at tahimik para naman mabilis siyang makatapos pero hindi ito makapag-concentrate dahil hindi niya maiwasang mabaling ang atensyon sa lalaking kasalukuyang naghihila ng upuan sa harapan niya at napatigil lang nang tingnan niya ito nang masama.

"P-pwede bang m-maupo?" kabadong tanong ng binata ngunit imbes na sagutin ito ay pinasadahan niya lamang ito ng tingin at ibinalik ang atensyon sa ginagawa.

Napansin niyang umupo pa rin ito kahit hindi siya sumagot.

Sa abot ng kanyang makakaya ay sinubukan niyang gawin 'yon nang mabilisan na hindi naiistorbo ngunit hindi niya maiwasan ang sarili na mapaangat ng tingin sa lalaking kaharap niya na palagi niyang nahuhuling nakatingin sa kanya. Napapaiwas ito ng tingin sa tuwing tinitingnan niya rin ito.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon