XVII: CHAPTER 17

76 6 3
                                    

CHAPTER 17

Kasalukuyang nakaupo si Elyse sa isang bench katabi ang kaibigang si Zach habang pinag-uusapan ang tungkol sa the Battle of the Bands.

"Alam mo, siguro tama na 'yung naging desisyon mo na 'wag sumali. Masyadong magulo kapag may connection ka ro'n sa mga fafas na 'yon. Kaloka! Babantayan ng lahat ang kilos mo. Instant celebrity ka pa kapag ganern," saad ni Zach at uminom sa hawak niyang juice.

"Bakit ba kasi... kailangan nila ng babaeng kakanta? Kumpleto naman sila," inosente niyang tanong na sinagot naman ng kibit-balikat ng kaibigan.

"I dunno? Basta 'yung alam ko lang is nagkaroon ng dayaan last year at nanalo 'yung taga kabilang school. Alam mo ba, 'yung banda ng school na 'yon ang pinakamatinding kalaban ng X-AXIS. Simula noong nagkaroon ng Battle of the Bands 4 years ago, paulit-ulit lang ang nananalo which is 'yung band natin at sa kabila."

"Anong band?"

"42 Magnesium."

Pangalan pa lang, nakakapang-intriga na.

"Nakadalawang panalo na ng sunod-sunod ang X-AXIS at balak sana nilang manalo sa pangatlong pagkakataon para tanghalin silang winner for 3 consecutive years. Sila na raw sana dapat ang panalo last year kaso ayon, na-columbia sila at 'yung kabilang team ang winona. Usap-usapan din na, may kamag-anak daw ang isa sa myembro ng M42 sa mga judges," pagkukuwento pa nito.

"Eh, mawawalan na rin naman ng saysay ang hangad nilang manalo for 3 consecutive years kahit manalo sila ngayong taon. 'Di ba, sabi mo? Nanalo ang kalaban nila last year?"

"Oo nga, mawalan man 'yon ng saysay, 'yung taon pa rin na 'to ang pinaka-intense at pinaka-aabangan. Ito na ang huling taon ng X-AXIS sa battle of the bands, huling taon na rin 'to ng M42 kasi next year graduate na silang lahat sa high school."

Dahan-dahan na napatango si Elyse. May mga literal pala talagang labanan na nagaganap. Akala niya noong una mukhang hindi naman seryoso ang banda na 'yon sa paparating na kompetisyon.

"Saka, may isa pa akong alam na rason kung bakit gustong-gusto nila ni Terrence ang manalo."

Inabangan naman niya ang magiging dugtong nito sa kanyang sinabi.

"His mother kasi, may stage 4 na cancer. Hindi ko lang alam kung saan."

Aaminin niyang nagulat siya sa nalaman niya mula kay Zach. Mas lalo pa tuloy siyang hinihikayat nitong makinig.

"His dad passed away when he was only 10 years old. Ang sabi, composer raw ng mga kanta 'yung dad niya kaso namatay dahil sa isang accident. Simula noong mawala ang dad niya, siya na lang ang natitira sa mom niya. Sa sobrang kalungkutan ng mommy niya sa paglisan nito, sa pamamagitan ng musika ni Terrence parang nabubuhay niya ulit ang alaala ng dad niya na gustong-gusto naman ng mother niya. After ilang years, ayon na diagnosed ang mom niya na may cancer at hanggang ngayon ay lumalaban pa rin. Imbes na itigil ang kanyang pagkanta at ang paglaganap ng kanyang musika, mas lalo lang itong nagpursige para naman sa nanay niya," mahabang pagsasalaysay  nito sa buhay ni Terrence.

Magsasalita pa sana siya nang biglang may nagsalita sa itaas na talaga namang ikinagulat nila.

"Ang aga-aga, chika kayo nang chika."

Hindi siya makapaniwala na nandoon pala si Jeremiah at nakaupo sa may sanga ng puno sa itaas. May lollipop itong kinakain habang dinuduyan ang mga paa sa ere.

"Kanina ka pa riyan?" nagtatakang tanong ni Zach.

"Oo."

Napatayo si Elyse sa kanyang kinauupuan at tumingala kay Jeremiah.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon