IV: CHAPTER 4

150 11 0
                                    

CHAPTER 4

Hindi alam ni Elyse ang gagawin. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nakuha pa nitong makiusap na marinig ang kanyang boses na kumanta ngayong oras na naghihikahos na nga ito.

"P-pakiusap..." makailang beses nang sabi nito.

"Hindi ko kayang pagbigyan ka sa hinihiling mo sa akin," matigas ang boses na aniya.

Desidido na siyang hindi sundin ang gustong mangyari ng lalaki. Isa itong malaking kahibangan para sa kanya. Nangako na rin siya sa kanyang sarili na hindi na siya kakanta pang muli.

Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman niyang dahan-dahan na dinampot ng lalaki ang kanyang kamay. Nakaluhod kasi siya sa harap nito at huli na bago pa niya bawiin 'yon at ang sunod na ginawa nito ay hindi niya inaasahan.

Inilagay ng lalaki ang kanyang kamay sa bandang puso nito. Hindi niya maintindihan kung ano ang ipinaparating nito dahil hindi ito nagsasalita. Tulala lang siyang nakatingin sa lalaki at sa oras na dumapo ang palad niya sa dibdib nito, biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso. Bumalik na naman ang pag-aabnormal nito na tila hindi niya maintindihan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, bigla lang niya 'yong naramdaman.

Natulala siya nang makitang tumulo ang luha nito habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Namimilipit pa rin ito sa sakit at hindi na makapagsalita pa. Bigla siyang nabalisa matapos ang mahabang pagkatulala sa lalaking kaharap niya.

Wala naman sigurong masama... kung pagbibigyan ko siya.

Ilang sandali lang ay napagdesisyunan ni Elyse na kantahan ito.

💿 can't help falling inlove | haley reinhart 🎵

🎶 "Wise men say only fools rush in
But I can't help falling in love with you" 🎶

Napapikit siya at huminga nang malalim, nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy pa ba ang kanyang pagkanta ngunit habang tumatagal siya sa pwestong 'yon, wala siyang may nararamdaman na kahit anong bigat sa kanyang dibdib. Sa halip, gumaan pa nga ito.

🎶 "Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?

Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be

Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you" 🎶

Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ito ang unang beses na kumanta siya na hindi siya nabahalang aatake ang kanyang trauma, ito rin ang unang beses na naramdaman niyang para siyang lumulutang sa mga ulap habang siya ay umaawit.

🎶 "Like a river flows surely to the sea
Darling so it goes
Some things are meant to be

Take my hand, take my whole life too
For I can't help falling in love with you
For I can't help falling in love with you" 🎶

Nang matapos siyang kumanta ay napamulat siya. Bigla siyang natulala sa kawalan. Hindi siya makapaniwala, napagtagumpayan niyang kantahin ang isang buong kanta na hindi siya natakot.

Napatingin siya sa lalaki nang biglang luwagan nito ang pagkakahawak sa kamay niyang nakapatong sa dibdib nito. Napahilig din ang ulo nito ibig sabihin lang n'on, nawalan siya ng malay.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon