VIII: CHAPTER 8

102 7 0
                                    

CHAPTER 8

Buong oras lang na nakayuko si Elyse habang nagkakasa naman ng gitara sa harap niya si Jeremiah. Humihigpit din ang kanyang pagkapit sa kanyang uniform kahit pa hindi naman siya nahihirapang huminga. Sadyang hindi lang siya sanay sa tunog nito lalo na at malapit sa kanya.

Nasa music room sila ngayon para sa practice nila sa gagawing pagtatanghal sa paparating nang culmination nila na sa susunod na linggo na rin gaganapin.

Napansin yata ni Jeremiah ang pagiging tahimik niya buong oras. Nakayuko lang kasi siya at hindi makaangat ng mukha rito. Kanina pa sila tahimik at tanging tunog lang ng gitara ang maririnig dahil sa ginagawang pagtugtog ng binata rito na ngayon niya rin lang din naman nalaman na marunong pala ito n'on.

Natigilan si Elyse nang itigil ni Jeremiah ang pagkasa ng instrumento at natahimik na naman ulit ang silid. Dalawa lang kasi sila ang tao roon.

"Itutuloy pa ba natin 'to?" Nakuha na niyang umangat ng tingin nang tanungin siya ni Jeremiah.

"Y-yes, bakit hindi?" agad siyang umiwas. Para siyang napako sa kinauupuan niya at hindi siya makagalaw. Alam niyang hindi siya dapat naririto sa lugar na ito dahil alam niyang baka anumang oras ay aatakihin na naman siya ng kanyang trauma, pero habang tumatagal, wala naman siyang may nararamdaman na kahit ano. Sa isip niya ay gumagaling na siguro siya.

"Mukhang ayaw mo."

Ibinalik niya ang tingin sa binata saka agad na umiling.

"Kaya ko," lakas loob niyang inagaw ang gitara rito. Nagulat siya sa kanyang ikinilos lalo na si Jeremiah.

Bahagya siyang natigilan. Pamilyar siya masyado sa instrumentong ito, 'yon lang matagal-tagal na rin siyang hindi nakakahawak n'on. Pakiramdam niya parang ito ang unang beses na nahawakan niya 'yon.

Napailing siya nang mapagtanto niyang matagal na ang pagkakatitig niya roon. Umayos siya ng upo at napatikhim nang bahagya. Napatingin siya kay Jeremiah na tutok na tutok ngayon sa kanya at parang inaabangan ang kanyang gagawin.

Kinasa niya ito ng ilang beses at hindi niya maipaliwanag ang kakaiba niyang nararamdaman nang marinig niya ulit ang sarili niya na tinutugtog ito matapos ang mahabang panahon. Napapikit siya at huminga nang malalim bago naisipang..  kumanta muli.

💿 how deep is your love 🎵

🎶 "I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment that you wander far from me
I want to feel you in my arms again
And you come to me on a summer breeze
Keep me warm in your love, then you softly leave
And it's me you need to show" 🎶

Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay saktong nagtama ang mga tingin nila ni Jeremiah na buong sandali simula nang kumanta siya ay nakatingin lang sa kanya. Nakikita niya sa mukha nito ang pagkamangha at tila hindi ito makapaniwala.

🎶 "How deep is your love, how deep is your love
How deep is your love?
I really mean to learn
'Cause we're living in a world of fools
Breaking us down when they all should let us be
We belong to you and me" 🎶

Hindi makapaniwala si Elyse. Kahit siya ay nagulat sa kanyang sarili. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon, matapos ang napakamahabang panahon ay saulado niya pa rin ang mga chords at ang pagkasa rito. Ang liriko at himig ng kanta ay alam na alam din niya. Maliban doon, wala siyang may nararamdaman na paninikip at pagkabalisa.

Voice and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon