Simula

1.2K 9 0
                                    

Naramdaman ko ang mahigpit na hawak sa aking kaliwang kamay, nilingon ko si Lawrence at nginitian. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, sinulyapan ko naman ang labas at nakitang nasa gitna kami ng trapiko. Naagaw ni Lawrence ang atensyon ko nang humaplos ang mainit niyang kamay sa aking pisngi.




" It's all right, Love. She'll get used to it eventually." Malambing niyang wika, bago ako pinatakan ng halik sa labi. 




Hinagkan ko siya, ilang segundo lamang iyon bago siya kumawala at nagsimulang magdrive mula. Ilang araw ko na ring pinag-isipan ito, at ngayong nangyayari na nga hindi ko lubos maisip na masasaktan ako. 




" Gusto mo bang hintayin natin siya?" nagsalita muli si Lawrence, binasag ang katahimakan na naghari sa aming dalawa. 




" Hindi na love, babalikan ko na lang mamaya." Sabi ko, kahit na ang totoo ay ayokong iwanan siya. 



Pero alam kong iyon lamang ang tamang gawin para masanay siya sa bagong buhay niya, kahit tutol ako kung iyon naman ang nararapat para masanay siya. 




"Ayos lang ba sayo, Love?" Masuyo niyang tanong.



"Of course not, kung pwede ko lang siyang itago gagawin ko." I heard him chuckled with my answer.




"Of course, how will I forget that." Nangingiti niyang sagot. 



I sighed. The 7th of June is a pain in the ass.



 Sumulyap ako sa relong suot, ala-una pa lamang ng hapon at lunes na lunes ay nai-istress ako gawa ng pasukan. Pumarada ang sasakyan ni Lawrence sa tapat ng mall, nag-aayos pa lamang ako ng sarili at ng bag. 



"Just call me when you're done, I'll go with you to pick her up." agaran niyang bulalas nang nakitang nagliligpit ako ng gamit.



"I've already cleared my schedule for today. I just need to attend an urgent meeting." Paliwanag niya. 




"Alam mo namang ayokong nako-kompromiso ang trabaho mo, kaya ko naman na mag-isa." Paliwanag ko rin. 



" Alam ko, I just don't want to missed her first day." Napangiti na lamang ako sa naging sagot niya. 

Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon