Chapter 2

48K 996 19
                                    

"What?"

Hindi malaman ni Sophia kung matatawa, maiiyak o magpa-panic sa sinabi ng kanyang kaibigan na OB-Gyne na si Dra. Grace Palmeras. Ngunit base sa seryosong mukha nito, mukhang hindi nagbibiro ang manggagamot  habang nakatitig nang mariin sa kanya.

Napabuntong hininga ito saka ibinigay sa kanya ang resulta ng kanyang Pelvic Ultrasound. Anito, may tumubo umanong mass sa loob ng kanyang uterus o matris. Kailangan umano nitong matukoy kung anong klaseng mass iyon; ordinaryong fibroid, polyp o isang cancerous tumor.

Napatingin sya sa resulta ng kanyang ultrasound at matay man niyang basahin 'yon ay hindi niya mantindihan. Lalo lamang iyon nakadagdag ng kalituhan sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung paano tumubo ang mass na 'yon sa matris niya. Ang alam niya'y may PCOS siya o Polycystic Ovarian Syndrome.

Sakit na niya iyon simula pa pagkabata at umiinom siya ng mga gamot upang hindi lumala iyon. Isa iyong disorder ng hormones na nagdudulot nang paglaki ng kanyang obaryo dahil sa pagtubo nang maraming cyst o follicles.

Noong bata pa siya ay may katabaan siya, iyon daw ang isa sa mga dahilan ng PCOS. Ang sabi naman ni Dra. Grace, ang kanyang OB-Gyne doctor for 15 years, ay kontrolado ang kanyang PCOS.

Ngunit recently ay bigla siyang nakakaramdam ng pananakit ng puson at matagal na menstruations. Dati ay three days lang ang duration ng regla niya, nitong nakaraan ay umabot ng isang buwan. Nangamba siya at nagpakonsulta agad kay Dra. Grace. Agad naman siyang isinailalim sa Ultrasound at 'yon nga, may malaking mass daw na nakita sa loob ng kanyang matris.


"Tell me this is just a joke, Grace..." hindi pa rin makapaniwalang sabi niya sa manggagamot.

"I wish it is but the ultrasound says it's true. But ultrasound is not a definitive diagnostic test to determine the type of mass that grows into your uterus. We can do some other tests such as Biops—"

"A biopsy?" putol niya sa mangaggamot.


Hindi siya medical professional pero may ideya siya sa salitang 'yon. Ibig sabihin lang ay may posibilidad na isang cancer ang tumubo sa matris niya. Kukuha sila ng sample sa mismong mass na tumubo para matukoy kung positibo itong cancer. Kinabahan lalo siya.

"Yes, Sophie, a biopsy. That's one of the tests we need to do to rule out any cancer cells in your endometrium," sagot ni Dra. Grace.

Kumirot bigla ang ulo niya. Natatakot talaga siya sa salitang "cancer". Namatay ang kanyang pinakamamahal na Lola sa sakit na Colon Cancer. Ang Lola niya, na ina ng kanyang Papa, ang nag-aruga sa kanya dahil abala ang kanyang mga magulang sa negosyo. Nagkaroon yata siya ng trauma sa sakit na 'yon. Feeling niya ay ang sakit na 'yon ang magiging katapusan niya.

"And what if the mass in my uterus is a cancerous cell? Am I gonna die?"

"Of course not! Oh, Sophie...is that what you're scared of?" nag-aalalang sabi ni Dra. Grace saka ito umalis sa kinauupuan at lumapit sa tabi niya. Hinimas nito ang kanyang likod na para bang pinapagaan ang kanyang loob.

"Then what?" medyo iritableng tanong niya.
Patawarin siya ni Grace pero 'yon ang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon.

"Huwag ka munang mag-panic, Soph. Malay mo isang polyp lang 'yan. Dont jump into conclusion that easily."

"And what if it's a cancer, Grace? Answer me!"

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon