Chapter 41

43K 1.1K 161
                                    

Did I just see him? My worst nightmare? My estranged husband? Conrado?

Ilang segundo na ang nakakalipas nang malakas na ibalabag ni Sophia ang pinto sa harapan mismo ni Conrado matapos niya itong mapagbuksan. Nakatulala pa rin siya sa harapan ng nakasaradong pintuan ngunit tila lagpasan ang mga tingin niya hanggang sa labas kung saan nakatayo ang taong pilit niyang kinakalimutan. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagkita sila muli.

How did he find me? Why is he here?

Bigla siyang sinalakay ng maraming katanungan sa isipan.
Kinapa niya ang kanyang dibdib, napakalakas ng kabog niyon. Sa sobrang lakas ay tila gusto nang sumabog ng kanyang puso. She was still dumbfounded. She cant believe she finally saw Conrado again...in the most unexpected way!

"Uwaaaahhhh!!!!"

Bigla siyang nagising sa pagkatulala nang marinig ang iyak ng kanyang anak.


"Hey, Sophia, I know you're still stunned to see that hot guy but please, girl, I think your baby is hungry and he had freakin' dropped his poop on my shirt!"


Saka pa lang siya kumilos nang pilit inaabot sa kanya ni Bambi ang kanyang anak. Namumula na ang anak niya, tanda na kanina pa ito umiiyak. Agad naman niyang kinuha ito mula kay Bambi saka hinalikan. Pawis na pawis naman si Bambi, tila dumaan sa isang matinding digmaan. Patakbong pinulot nito ang puting t-shirt sa sahig na may mantsang hula niya ay pupu ng anak niya.


"Oh, my! My poor Fendi shirt!" naiiyak na atungal ni Bambi habang nakatingin sa T-shirt nitong minantsahan ng anak niya. Kaya pala ito nakahubad. Itinaas pa nito iyon saka ibinalandra sa harapan niya. Ibinida pa nito ang t-shirt kanina bago siya umalis dahil mahal daw ang pagkakabili nito doon.

Kahit kinakabahan pa rin sa muling pagkikita nila ni Conrado ay natatawa siyang naaawa sa hitsura ni Bambi. Halatang badtrip ito sa ginawa ng anak niya ngunit hindi magawang magsungit sa bata. Halatang hindi ito sanay mag-alaga ng bata.

Wala kasi siyang mapagbilinan kay Riley lalo pa't busy din ang mga kaibigan niya. Wala siyang yaya dahil hands-on siya sa pag-aalaga ng anak niya. Nagpresenta naman si Bambi kahit wala naman itong karanasan sa pagbabantay ng bata.Wala naman siyang choice kundi ibilin kay Bambi si Riley dahil saglit lang naman siya aalis.

Hindi pala madaling maging single mom.
Akala niya noon ay kayang-kaya niya, hindi pala ganoon kadali. Nagigising siyang madaling araw para magpadede sa bata, sa umaga naman ay hindi rin siya nakakatulog dahil gising ito. Pati ang pagpapalit ng nakakadiring diaper ay natutunan niyang gawin. Nasurpresa siyang malaman na kaya niyang magsarkipisyo para sa anak niya.

Ganunpaman, kahit gaano pa kahirap maging mommy ni Riley, masayang-masaya siya sa pagdating nito sa buhay niya. Makita lang niyang nakangiti ang kanyang guwapong anak ay nawawala na lahat ang pagod niya. Riley is the biggest blessing in her life at hindi niya hahayaang masaktan ito. Hindi niya hahayaang maranasan nito ang naranasan niyang sakit dahil kay Conrado.

Wala sa sariling napasilip siya sa peep hole ng kanyang pinto. Wala nang tao doon. Conrado is gone. Kung paano nito natunton at nalaman ang kinaroroonan niya ay isang palaisipan. Malabong magsabi dito si Lorraine dahil galit din ito sa lalaki. Mas malabong ang Mama niya ang napagtanungan nito dahil mas nuknukan ang galit nito kay Conrado. Malamang ay nasundan siya nito nang magtungo siya kanina sa opisina ng abogado niya.


"Hoy, girl! Okay ka lang? Kanina ka pa tulaley? What's wrong?" puna sa kanya ni Bambi.


Nag-iwas siya ng tingin dito't saka nagkaila.
"N-nothing..."

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon