Chapter 3

40.6K 964 21
                                    

Nasapo ni Sophia ang kanyang puson nang biglang kumirot iyon. Ilang araw nang sumasakit ang kanyang puson kahit wala siyang buwanang dalaw. Nangangamba na siya ngunit hindi pa rin niya magawang magpakita muli kay Dra. Grace.


"Are you alright, Sophia?" tanong sa kanya ni Bambi. Kasalukuyan silang nagtatabas ng tela para sa gagawing summer dress.


Binitiwan niya agad ang hawak na tape measure saka umupo sa silyang katabi. Kinuha niya ang kanyang pouch sa gilid ng mesa saka hinugot ang kanyang pain reliever. Uminom na siya kaninang umaga pero mukhang wala iyong epekto sa sakit ng puson niya dahil bumabalik pa rin.

"I think you need to consult your doctor, Sophia. I may not be a woman physically but I can sense something's off in your body," alalang sabi ni Bambi.


"This is just plain tummy ache, Bambi. Stop exaggerating it," kaila niya.

Napapalatak ito.
"You know what, Sophie, I used to admire your passion to your work and your amazing drive to be on top of the game, but seeing you ignoring your health disappoints me..."


Napatingin siya rito.
"This is my body, I know if there's something wrong with it. Masyado tayong abala these past few days kaya medyo umaatake ang ulcer ko. Other than that, I'm perfectly fine."


"Girl, we can postpone this entry! There's a lot of shows next season. You need to prioritize your health!" giit nito.

Nag-iwas siya ng tingin.
"I cant! I cant afford to lose millions if we turn down this event."

Eksaheradang napamaang ito. "My gosh, girl, ang dami mo ng pera! Bilyonarya ka na yata. It's probably time to use your money for your self."

Hindi siya nakaimik. Akmang tatayo na siya at itutuloy ang ginagawa nang biglang tumindi ang sakit ng kanyang puson. Bumalik siya sa pagkakaupo at namilipit sa sakit. Agad namang binitiwan ni Bambi ang mga tela na hawak at lumapit sa kanya.


"Damn it, Sophie, I'm gonna bring you to the hospital!"

"No way—Bambi!"


Napatili siya nang bigla siyang pangkuhin nito't patakbong lumabas ng silid. Nagtatakang napasunod na lamang ng tingin ang mga empleyadong nakakasalubong nila. Agad namang kumilos ang mga security guards at umalalay sa kanila upang mapabilis ang pagpunta nila sa sasakyan ni Bambi.
Seconds later, pinaharurot na ni Bambi ang sasakyan papuntang ospital.

▪️▪️▪️▪️▪️▪️

"First it was Dan-dan, and now you, Sophia? What is happening to this world?" eksaheradang atungal ni Ian habang nakaupo sa kanyang tabi. Kasama nito si Guia na masama ang tingin sa kanya. Kagagaling lang nito sa bakasyon. Lorraine's in Paris, Sidney's at work, Resha's in US.

Nasa Emergency Room siya't nakasuwero. Binigyan lamang siya ng pain reliever na pinadaan sa suwero upang mawala ang sakit ng kanyang puson. Hindi siya pumayag na magpakuha nang kung ano-anong blood samples at magpa-ultrasound dahil alam naman niya ang dahilan nang pinagdadaanan niya.

"Have they gone to the States now?" sa halip ay tanong niya kay Ian upang ma-divert ang atensyon nito.

"Who?"

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon