"Tambukikay ko?"
Mabilis na tinuyo ni Sophia ang kanyang mga luha nang marinig ang boses ng kanyang Lolo. Nang makauwi siya ng mansyon ay agad siyang nagtungo sa kuwarto ng matanda at sumuksik sa likuran nito upang umiyak. Alam niyang hindi agad ito magigising kaya sinamantala niya ang pagkakataong umiyak sa tabi nito.
Ewan ba niya at napapanatag ang loob niya sa tuwing pumupuwesto siya sa tabi ng kanyang Lolo. Ganoon din siya dati noong kabataan niya, ang kanyang Lolo ang lagi niyang takbuhan sa tuwing may pinagdadaanan siya. Minsan ay nagsasabi siya rito ng problema, minsan naman ay sinesekreto niya.
Ang mahalaga ay nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa kapag may problema siya. Lagi naman siyang iniintindi nito at hinahayaan sa kanyang pagdadrama. Ang sabi pa nito'y kapag may problema siya ay handa itong makinig at naroon lamang ito palagi upang samahan siya.
Naramdaman niyang humarap ang kanyang Lolo sa kanya at sinipat ang kanyang mukha. Sumiksik kasi siya sa tabi nito habang nakatalukbong. Lihim siyang humihikbi doon upang ilabas ang kanyang sama ng loob kay Conrado. Ang akala niya'y hindi ito magigising.
"What's wrong? Umiiyak ka ba?" nag-alalang tanong nito.
Mabilis siyang umiling.
"Hindi po, Lolo. Namiss ko lang po ang matulog sa tabi n'yo," kaila niya."Aba'y bumalik ka doon sa kuwarto mo't magbihis. Napakanipis ng damit mo, baka magka-pulmonya ka."
Napangiti siya. Tila gumaan nang bahagya ang dibdib niya sa narinig. Masarap sa pakiramdam ang malamang may tao palang nag-aalala para sa kanya, lalo na at isa sa mga kapamilya niya. Yumakap siya sa kanyang Lolo.
"I love you, Lo..."
"I love you too, Apo..."
Mapait siyang napangiti. Sumiksik siya sa ulit sa kilikili nito upang itago ang pagtulo ng kanyang luha. Mayamaya ay naramdaman niyang hinaplos nito ang kanyang buhok gaya ng ginagawa nito noong bata pa siya.
"Umiyak ka lang. Huwag mong pigilan. Ganyan talaga kapag nagmamahal, hindi lahat puro saya at ligaya. May pagkakataon ding nasasaktan ka..."
Lalo siyang naiyak sa sinabi ng kanyang Lolo. Lumakas na ang hagulhol niya.
"Ayokong manghimasok sa relasyon ninyo ni Conrado pero sa nakikita ko sa mga tinginan n'yong dalawa, matindi ang pag-ibig na nararamdaman ninyo sa isa't isa..."
Natigil siya sa paghikbi at nakinig sa kanyang Lolo.
"Hindi n'yo man hayagang maipagsigawan 'yan ngayon, sana hindi umabot ang panahon na pagsisisihan n'yo na hindi n'yo naipadama sa isa't isa ang totoo ninyong nararamdaman."
"You know very well how transparent I am when it comes to showing my feelings to him, Lo. Halos kalimutan ko na ang lahat, pati ang pride ko, just to show how much I love him. Pero wala, eh...binalewala niya..."
Pumiyok ang boses niya sa nasabi.Nagpatuloy ito sa paghaplos ng buhok niya.
"Men are insensitive by nature, Apo. Less expressive kami kaysa sa mga babae. May mga pagkakataong manhid din kami. Sometimes we realized what we truly feel when it's too late.""I'm not gonna wait for that asshole to realize how speacial I am to his life. I'm not gonna let him shoot bullets on me until I bleed to death," mapait na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
Storie d'amoreSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...