Chapter 24

32.4K 840 63
                                    

Author's note: Guys, I'm back! Sorry at natagalan ako kasi hindi ko po talaga ma-open ang acc na to for 1 week. Buti narecover ko uli!

•••••••••••••••

Nagising si Sophia na nanlalata ang kanyang katawan. Agad niyang hinanap si Conrado sa kanyang tabi ngunit wala na ito. Nanlumo na naman siya. Matapos siya nitong "parusahan" kagabi dahil daw sa pagiging spoiled brat niya, bigla na lamang itong nawala.

Natakot siya dahil baka ulitin na naman nito ang ginawa nito noong may unang nangyari sa kanila. Ramdam niya kasi ang galit nito habang hinahalikan at hinahaplos siya. Inaamin niyang kahit marahas siyang inangkin nito nang paulit-ulit kagabi, masayang-masaya naman siya dahil kapiling niya ito. Madaling araw na sila natapos dahil mukhang katulad niya'y napagod din ito.

Nang magpasiya siyang bumangon ay bigla siyang nahilo. Naalala niyang hindi pala siya kumain nang buong araw kahapon. Kumukulo na rin ang tiyan niya. Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto at kahit umiikot ang paningin niya ay naligo siya't nag-ayos ng sarili.

Nagtungo siya sa kanyang closet at hinanap ang dating maiiksing damit. Alam niyang ayaw ni Conrado na nagsusuot siya nang ganoon, nabanggit nito iyon sa kanya dati at nangako siyang hindi na ulit susuotin ang mga damit. Pero ngayong nagbabadyang maagaw ito ulit sa kanya ni Angela, wala siyang pagpipilian kundi bumalik sa dating gawi. Ang akitin ito nang paulit-ulit.

Nagsuot siya nang maiksing floral tube dress at gladiator sandal. Naglagay din siya ng pulang lipstick sa mga labi at matingkad na eye shadow. Tingnan lang niya kung titingin pa ito kay Angela sa ganda niyang iyon. Excited tuloy siyang bumaba sa dining room upang makita si Conrado.

Nagtaka siya nang makitang pang isang tao lamang ang nakaprepara sa dining table.

"Where are they?" tanong niya kay Manang Badang.


"Maaga po silang nagpunta ng manggahan, Señorita."

Nanlumo siya.
"Without me again, huh?" nagtatampong sabi niya.

Napansin niyang biglang paglungkot ng anyo ni Manang Badang. Mukhang nakikisimpatya ito sa kanya sa kabila nang pagsusungit niya rito kahapon. Idinantay nito ang kamay sa balikat niya.

"Huwag kang mag-alala dahil ipinagluto kita ng paborito mo, Señorita."

Napabuntong hinga siya't binuksan ang pagkain sa harapan niya. Agad niyang tinakpan ng kamay ang ilong nang maamoy ang niluto ni Manang Badang. Omelette at fried rice iyon. Ewan ba niya pero parang gustong bumaliktad ng sikmura niya sa amoy ng fried rice kahit gustong-gusto niya ang amoy niyon noon.


"May problema ba, Señorita? Hindi n'yo ba gusto ang niluto ko?"

Tumango siya. "Just give me a bread, Manang, please." Inusog niya papalayo ang plato.


Nagtatakang napatingin ito sa kanya.
"S-sige. Mukhang masama yata ang pakiramdam mo. May sakit ka ba?"


"I think so..." aniya habang hinihilot ang sintido.

"Pagkatapos mong kumain ay magpahinga ka na. Namamantal ka na, o!" Tinuro nito ang namumulang bahagi ng leeg niya.


Nag-init ang pisngi niya nang mapagkamalan nitong pantal ang hickey sa kanyang leeg. Sinadya niyang ilugay ang kanyang buhok para hindi mapansin ng ibang tao ang hickey dahil nakakahiya. Hindi pala iyon nakaligtas sa mga mata ni Manang Badang.

Nang matapos siyang hainan nito ng tinapay at gatas ay nagsimula na siyang kumain. Nang matapos siyang kumain ay pumuslit siya sa kwadra para palihim na kunin si Aurora ngunit nagulat siya nang makitang wala na ito doon. Ang sabi ng katiwala ng kwadra ay ipinagamit daw si Aurora ni Conrado kay Angela. Nangngitngit siya sa narinig.

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon