Ilang araw nang nagigising nang dis oras ng gabi si Sophia na masama ang pakiramdam. Sa tuwing iminumulat niya ang mga mata ay tila bumabaliktad ang kanyang sikmura kaya napapatakbo siyang bigla sa banyo at sumusuka. Hindi niya alam kung dulot iyon ng stress dahil sa pagkamatay ng kanyang Lolo o komplikasyon ng kanyang sakit.
Natatakot siyang baka komplikasyon na iyon ng kanyang cancer. Ayaw naman niyang magsabi sa kanyang mga magulang at kapatid at baka pilitin siya nitong umuwi ng Manila at magpa-check up. Gusto pa niyang makita ang kanyang Lolo kahit sa huling sandali.
Gaya ng dati niyang gawi ay kumuha siya ng OTC na gamot sa tokador at ininom iyon. Naghilamos siya ng mukha saka nagsipilyo. Nang tingnan niya ang repleksyon sa salamin ay nalungkot siya. She looked terrible. Her eyebags are visible and her hair is a mess. Tila nawala ang kagandahang taglay niya sa isang iglap.
Paano ka pa titingnan ni Conrado kung ganyan na ang hitsura mo? Dehadong-dehado ka na kay Angela na mukhang modelo sa ganda.
Mapait siyang bumuntong hininga saka kumuha nang makapal na cardigan jacket sa kanyang wardrobe. Pinatungan niya ang kanyang manipis na pangtulog upang hindi manuot ang lamig sa labas. Naisipan niyang magtungo sa swing sa likod ng mansyon upang magmuni-muni. Alas tres na nang madaling araw kaya kaunti na lamang ang naglalamay sa ibaba. Puwede siyang maglakad-lalad sa labas.
Sinadya niyang huwag dumaan sa Living Room kung saan ginaganap ang lamay at baka makita na naman siya ng kanyang Mama. Sesermonan na naman siya nito nang walang katapusan. Palagay niya'y ito ang isa sa mga dahilan kaya naiistress siyang lalo. Nitong mga nakaraang araw ay minabuti niyang iwasan ito para hindi siya pagdiskitahan.
Nang makapuslit nang maayos papuntang likurang bakuran ng mansyon ay nakahinga siya nang maluwag. Napakatahimik ng lugar at tanging nakikita niya lamang ay ang bilog na buwan na nagbibigay liwanag sa paligid. Nakaramdam siya ng kapayapaan sa kalooban. Umupo siya sa swing saka unti-unting nahulog sa malalim na iniisip.
Paakyat na sana si Conrado sa hagdanan papuntang kanyang kuwarto upang magpahinga nang makita niya si Sophia na pumupuslit palabas ng mansyon. Kumunot ang kanyang noo dahil ang akala niya'y kanina pa ito nagpapahinga. Gising pa rin pala ito't lumabas pa ng mansyon.
She must have gone out to take some fresh air.
Napabuntong hininga siya saka ito tahimik na sinundan. Gaya nga ng kanyang inaasahan, nagtungo ang babae sa paborito nitong hide out na swing. Dapat ay hayaan na niya ito doon nang mag-isa dahil pagod na rin siya't kanina pa hinihila ng antok. Magdamag kasi siyang umeestima sa lamay ni Don Fabian.
Ngunit tila natulos ang kanyang mga paa sa kanyang kinatatayuan habang pinagmamasdan ang malungkot na anyo ni Sophia habang pinagmamasdan ang buwan. He can clearly see through her eyes her agony and pain. He was hurt by the sudden demise of Don Fabian but he knew Sophia was the most devastated one.
Hindi naman kaila sa kanya na mahal na mahal nito ang Lolo nito. Sa laki nga ng pagmamahal nito sa matanda ay nakuha nitong pilitin siyang magpanggap na masaya silang nagkabalikan at nagmamahalan sa harapan ng Don. He admit her actions were clever and touching. Bihira lang ang mga apo na katulad nito na kayang gawin ang lahat mapasaya lang ang may sakit na abuelo.
He kinda admit it made him feel guilty. Hindi dahil sa nagsisinungaling siya sa harapan ng Don na nagkabalikan sila ni Sophia, kundi ay dahil wala siyang ginagawa upang gawin ang parte niya. Aside sa pamunuan nang maayos ang hacienda gaya ng hiling ng Don, wala siyang ginagawang malaking hakbang upang ipakita dito ang kanyang malaking pasasalamat.
Now that Don Fabian is gone, he wondered what will happen to him and Sophia. She made it clear from the very start that she will leave him in peace after their arrangement is done. Pero sa estado ng babae, may munting boses sa kanyang isipan na nagbubulong na huwag niyang pabayaan ito.
BINABASA MO ANG
The Runaway Groom (Completed)
RomansSophia Martinez is one of the most successful Fashion Designers and Businesswomen in the country. Her fashion label is famous all over the globe and she consider her life as an open book because of that. Little did they know, she's keeping a secret...