Chapter 43

42.5K 1.1K 140
                                    

Malungkot na pinagmasdan ni Conrado sina Sophia at Bernardo na masayang naglalakad sa parke habang siya ay mag-isa sa loob ng kanyang kotse, 100 meters away sa mga ito. Tulak ni Bernardo ang stroller kung saan natutulog ang anak ng mga ito samantalang nakaangkla naman sa braso ng lalaki ang mga braso ni Sophia. They look like a perfect happy family together.

May TRO na pina-issue si Sophia laban sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan. Hindi naman siya nangugulo sa mga ito. Inaamin niyang may pagkakataon na desperado siyang makausap si Sophia ngunit hindi sa puntong pagtatangkaan niya ito ng masama. Gusto niya lang naman na mag-usap sila ng masinsinan pero panay naman ang iwas nito sa kanya.

At ngayon nga, kahit kinakain na ng selos at panibugho ang puso niya'y nakukuntento na lamang siyang sundan at pagmasdan si Sophia sa malayo kasama ang pamilya nito. Habang pinagmamasdan ang mga ito ay lalo niyang napagtanto na napakalaki niyang gago at binalewala niya si Sophia noon. Sana'y siya ang nasa lugar ngayon ni Bernardo at masayang kasama si Sophia at ang anak nito.

He wondered why he didnt get Sophia pregnant before. Ilang beses na may nangyari sa kanila at ni minsan ay hindi siya hinayaan nitong gumamit ng proteksyon. Marahil ay may ginagamit itong proteksyon sa sarili. Matalino itong babae, hindi ito magpapabuntis sa isang lalaking katulad niya na walang maipagmamalaki. Hindi siya kilalang tao kaya hindi siya nababagay sa mundo nito. Hindi katulad ni Bernardo na mukhang galing sa isang kilalang pamilya.

Napabuntong-hininga siya. Masyado na siyang masokista at pati pa pamamasyal ng pamilya ni Sophia ay pinapanood niya pa. He wondered how can she make her talk to her again. How can they have proper ending to their relationship if she hates him? Alam niyang wala na silang pag-asa at tanggap niya iyon. Kailangan niya lang talaga itong makausap.

Mayamaya ay tumunog na naman ang kanyang cellphone. Nakatanggap na naman siya ng tawag mula sa kanyang abogado. Tiyak mangungulit na naman ito sa kanya. Napilitan siyang sagutin iyon kahit ayaw niya. Napakasipag pa naman ng kanyang abogado kaya mas lalo tuloy napapabilis ang annulment niya kahit nagdadalawang-isip pa siyang ituloy 'yon.

"Yes, Attorney?"


"Hey, Conrado! I forgot to ask you one thing and this is very important..."


Nagtaka siya. Sa dami ng tanong nito sa kanya na akala mo'y reporter ng isang TV network, may nakalimutan pa ito?
"What is it?"


"Have you signed up for a pre-nup?"


"A what?" naguluhang tanong niya.


"A pre-nuptial agreement!" ulit nito.

Napaisip siya. Ang natatandaan niya lang na pinirmahan niya noong kinasal sila ni Sophia ay ang marriage contract at wala ng iba.


"I dont think so, Attorney," pag-amin niya.


"Therefore you'll get the 50% of your wife's fortune."

What?

Napaupo siya ng tuwid. Bakit nagkaganoon? Wala siyang interes na kung anong material na bagay kay Sophia!
"But I dont want half of her fortune, Attorney!"

"Well then you and your wife needs to discuss about the distribution of your assets. Both of you didnt sign a pre-nup at nakasaad sa batas na kapag nagdesisyon na kayong ipawalang bisa ang kasal ninyo, magkakahatian na kayo ng kayamanan."


Damn!

"I must talk to her."



"Sure, ang tanong ay kung paano? She issued a restraining order against you."

The Runaway Groom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon